IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mabilis na sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.
Sagot :
Answer:
Ang mga pangyayari sa kabnatang ito ay ang mga sumusunod:
paghuhukay ng dalawang lalaki ng paglilibingan na malapit sa pader na parang babagsak na
ang usapan ng dalawang sepulturero ukol sa mga bangkay
ang pagpapahukay ng bangkay na dalawampung araw pa lamang nailibing
Ang paghuhukay ng paglilibingan ay pangkaraniwan na sa mga sepulturero. Ito ang pangunahing trabaho ng mga gaya nila sa sementeryo. Sila ang naghahanda ng mga lupang paglalagakan ng labi ng lahat ng mga dinadala sa kanilang huling hantungan. Sa kabanatang ito, ang isa sa kanila ay bihasa na sa ganitong gawain samantalang ang isa naman ay tila baguhan sapagkat hindi ito mapakali, panay ang pagdura sa lupa, at paghithit ng sigarilyo.
Ang usapan ng dalawang sepulterero ukol sa mga bangkay ay ay kaugnayan sa ikinikilos ng ikalawang lalaki. Ayon sa kanyang kasama, kung mananatili siyang ganito ay hindi siya nababagay para sa trabahong kanilang ginagawa sapagkat may mga pagkakataong sariwa pa ang mga banagkay na kanilang hinuhukay.
Ang pagpapahukay ng bangkay na dalawampung araw pa lamang nakalibing ay may kaugnayan sa labi ni Don Rafael Ibarra. Sapagkat ang labi ni Don Rafael Ibarra ay ipinahukay mula sa kinalalagyan nito makaraan ang dalawampung araw at ipinalilipat sa libingan ng mga Intsik. Sapagkat malakas ang buhos ng ulan ng mga oras na iyon ay nakita ng sepulturero ang tila sariwa pang bangkay nito na nabasa pa ng malakas na ulan kaya naman maging ang amoy nito ay hindi kanais – nais. Binuhat nila ito mula sa kinalilibingan nito ngunit sa lakas ng ulan ay hindi na nagawang ilipat sa libingan ng mga Intsik kaya’t itinapon na lamang ito sa lawa. Marahil nagkaroon ng habag ang mga sepulturero sa matandang I barra na ilibing ito sa libingan ng mga ntsik na hindi naman niya kababayan kaya’t minabuting itapon na lamang ang bangkay nito sa lawa.
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.