IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa maaasahan at pangkomunidad na mga sagot. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

mga karahasang nararanasan ng kalalakihan at lgbt​

Sagot :

Dumadanas ang mga estudyante sa maraming lugar sa Pilipinas

ng bullying at diskriminasyon sa eskuwelahan dahil sa kanilang oryentasyong sexual at identidad sa

kasarian, ayon sa ulat ng Human Rights Watch na lumabas ngayong araw. Gayong may batas sa

Pilipinas na nagbibigay ng proteksiyon sa diskriminasyon at pag-etsa-puwera sa mga paaralan,

kailangang kumilos ng mga mambabatas at administrador ng mga eskuwelahan upang siguruhin

lubos na naipapatupad ang mga ito.

Nagdodokumento ang 68-pahinang ulat na “‘Hayaan N’yo Na Lang Kami’: Diskriminasyon

Laban sa Mga Estudyanteng LGBT sa Pilipinas,” ng lawak ng pang-aabuso sa mga estudyanteng

lesbian, gay, bisexual, at transgender (LGBT) sa sekundaryang paaralan. Dinedetalye rito ang talamak

na bullying at harassment, mga patakaran at gawing mapanghusga, at ang kawalan ng resources na

sumisira sa karapatan sa edukasyon ng kabataang LGBT sa ilalim ng mga internasyonal na batas at

naglalagay sa kanila sa panganib.

“Ang mga estudyanteng LGBT sa Pilipinas ay kadalasang target ng pangungutya at pati

karahasan,” sabi ni Ryan Thoreson, isang fellow sa programang pangkarapatan ng LGBT sa Human

Rights Watch. “At sa maraming beses, ang mga guro at administrador pa ang sumasali sa ganitong

pagmamaltrato imbes na magsalita laban sa diskriminasyon at gawing lugar ang klasrum kung saan

matututo ang lahat.”

Nagsagawa ang Human Rights Watch ng malalimang interbyu at diskusyon sa 98 estudyante,

46 magulang, guro, tagapayo, administrador, service providers, at eksperto sa edukasyon sa 10

siyudad sa Luzon at Visayas. Sinabi ng mga estudyanteng LGBT na di-regular o bitin sa pagpapatupad

ang umiiral na proteksiyon, at nagiging daan pa ang mga patakaran at gawi sa sekundaryang paaralan

sa diskriminasyon at bigo ang mga itong bigyan ang mga estudyanteng LGBT ng impormasyon at

suporta.

Napansin na ng mga mambabatas sa Pilipinas na isang problema ang pambubully sa

sekundaryang paaralan at gumawa na sila ng mga importanteng hakbang para tugunan ito, ayon sa

Human Rights Watch. Noong 2013, nagpasa ang Kongreso ng Pilipinas ng anti-bullying law at ang

Kagawaran ng Edukasyon (o DepEd) ay naglabas din ng alituntuning nagbabawal sa pambubully na

ayon sa oryentasyong sexual at identidad sa kasarian. Sa kampanya sa pagkapangulo noong 2016,

hayagang nangondena si Rodrigo Duterte sa bullying at diskriminasyon sa mga LGBT.

“Nagpahayag noon ang Pangulong Duterte ng pagkontra sa bullying at diskriminasyon laban

sa LGBT, at dapat na gawin niya ito ulit ngayo