Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

ibigay ang tatlong uri ng birtud​

Sagot :

Answer:

Uri ng Birtud:

Ang mga uri ng birtud ay intelektuwal at moral.

Ang intelektuwal na birtud ay uri ng birtud na may kinalaman sa isip ng tao. Ito ay kilala rin bilang gawi ng kaalaman. Ito ay may limang uri:

pang - unawa - pinakapangunahin sa lahat ng birtud na nakapagpapa -   unlad ng isip.

agham - sistematikong kalipunan ng mga tiyak at tunay na kaalaman na bunga ng pagsasaliksik at pagpapatunay.

karunungan - masasabing naaabot ng kaisipan ng tao ang kaniyang kaganapan kung ito ay nagamit sa paggabay ng birtud ng karunungan.

maingat na paghuhusga - isang uri ng kaalaman na ang layunin ay labas sa isip lamang ng tao.

sining - tamang kaalaman tungkol sa mga bagay na dapat gawin.

Ang moral na birtud ay uri ng birtud na may kinalaman sa ugali ng tao. Ito ay mga gawi na nagpapabuti sa tao. Ito ay may apat na uri:

katarungan - isang birtud na gumagamit ng kilos - loob upang ibigay sa tao ang nararapat lamang para sa kanya, sinuman o anuman ang kaniyang katayuan sa lipunan.

pagtitimpi - sa pamamagitan nito, nakikilala ng tao ang mga bagay na makatuwiran o mga luho lamang.

katatagan - ito ay birtud na nagpapatatag o nagpapatibay sa tao na harapin ang anumang pagsubok o panganib.

maingat na paghuhusga - ina ng mga birtud.

Keywords: birtud, moral, intelektuwal

Answer:

Intelektwal na Birtud

a. Pag-unawa (Understanding)

b. Agham (Science)

c. Karunungan (Wisdom)

d. Maingat na Paghuhusga (Prudence)

e. Sining (Art)

Moral na Birtud

a. Katarungan (Justice)

b. Pagtitimpi (Temperance or Moderation)

c. Katatagan (Fortitude)

d. Maingat na Paghuhusga (Prudence)

Explanation: