IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw na sagot. Ang aming mga eksperto ay nagbibigay ng mabilis at eksaktong sagot upang tulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang ipinahahayag sa pangungusap ay nagpapahayag ng pakikiisa at MALI kung hindi. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

_______ 1. Ang pakikiisa nang buong tapat sa mga programa at gawain ng
pamahalaan ay nakakatulong sa pag- unlad ng bayan..
_______ 2. Hinikayat ni Angelo ang mga kapatid na makinig ng programa ng barangay
tungkol sa kalinisan at kapayapaan ng kanilang lugar.
_______ 3. Hindi dapat nakikiisa sa mga gawain ng pamahalaan ang mga mag-aaral
sapagkat hindi nila ito responsibilidad.
_______ 4. Tungkulin natin ang tumulong at makiisa sa mga gawain sapagkat ito ay
may malaking maitutulong sa bansa natin.
_______ 5. Maging responsible tayo sa mga gawain na may malaking epekto sa ating
kinabibilangang pamayanan.
_______6. Gumagamit pa rin ang mag-anak ni Mang Nestor ng mga plastic upang
ilagay ang kanilang mga pinamili kahit alam nilang ipinagbabawal sa ating
lugar.
_______7. Hindi lumahok ang magkakaibigang sina Robi, Joshua at Ivan sa proyekto
ng kanilang barangay tungkol sa pangangalaga sa kalusugan, kapaligiran
at sa kaligtasan.
_______8. Ang kusang loob na pakikilahok sa mga programang ito ay magdudulot ng
kabutihan at pagkakaisa sa ating bansa at daigdig.
_______9. Mas inuna ni Jona ang paglalaro kaysa sa ipinapagawa sa kanya na video
clips o voice record ukol sa pakikiisa ng kanilang grupo sa kampanya ng
pamahalaan tungkol sa kalinisan at kapayapaan ng nasasakupang bayan.
_______10. Hinayaan ni Noemi ang kanyang ina na ligpitin mag-isa ang kanyang mga
kalat sa paligid.



Sagot :

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang ipinahahayag sa pangungusap ay nagpapahayag ng pakikiisa at MALI kung hindi.

TAMA 1.) Ang pakikiisa nang buong tapat sa mga programa at gawain ng pamahalaan ay nakakatulong sa pag-unlad ng bayan.

TAMA 2.) Hinikayat ni Angelo ang mga kapatid na makinig ng programa ng barangay tungkol sa kalinisan at kapayapaan ng kanilang lugar.

MALI 3.) Hindi dapat nakikiisa sa mga gawain ng pamahalaan ang mga mag-aaral sapagkat hindi nila ito responsibilidad.

TAMA 4.) Tungkulin natin ang tumulong at makiisa sa mga gawain sapagkat ito ay may malaking maitutulong sa bansa natin.

TAMA 5.) Maging responsible tayo sa mga gawain na may malaking epekto sa ating kinabibilangang pamayanan.

MALI 6.) . Gumagamit pa rin ang mag-anak ni Mang Nestor ng mga plastic upang ilagay ang kanilang mga pinamili kahit alam nilang ipinagbabawal sa ating lugar.

MALI 7.) Hindi lumahok ang magkakaibigang sina Robi, Joshua at Ivan sa proyekto ng kanilang barangay tungkol sa pangangalaga sa kalusugan, kapaligiran at sa kaligtasan.

TAMA 8.) Ang kusang loob na pakikilahok sa mga programang ito ay magdudulot ng kabutihan at pagkakaisa sa ating bansa at daigdig.

MALI 9.) Mas inuna ni Jona ang paglalaro kaysa sa ipinapagawa sa kanya na video clips o voice record ukol sa pakikiisa ng kanilang grupo sa kampanya ng pamahalaan tungkol sa kalinisan at kapayapaan ng nasasakupang bayan.

MALI 10.) Hinayaan ni Noemi ang kanyang ina na ligpitin mag-isa ang kanyang mga kalat sa paligid.

============================================

[tex]#CarryOnLearning[/tex]