Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.

ANO ANG KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS SA PANG ARAW-ARAW NA PAMUMUHAY BILANG ISANG MAG -AARAL AT KASAPI NG PAMILYA AT LIPUNAN?

Sagot :

KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS SA PANG ARAW-ARAW NA PAMUMUHAY

Ang Kahalagahan ng Ekonomiks sa pang araw-araw na pamumuhay sa isang Mag-aaral, kasapi ng Pamilya at Lipunan ay nagbibigay ito ng tulong upang malaman ang limitasyon ng bawat isa lalo na pagdating sa pera. Nakakatulong ang ekonomiks upang matuto, may kinalaman sa kung paano babalansehin ang mga gastusin at pangangailangan ng isa.

Bilang isang Mag-aaral

Nakatutulong sa  pagba-budget ng allowance ang Ekonomiks. Batid ng isang mag-aaral na ang  paggastos ay nakalimita lang dapat sa kung ano lang ang mga mahahalaga.  Kung batid ng isang mag-aaral na may pagtaas ng mga presyo, natututunan niyang  maging wais sa pagpili ng mga bibilhin niya.

Halimbawa:

Ang pagbili ng kape sa  mamahaling coffeeshop na itinaguyod ng dayuhan sa bansa ay hindi na praktikal.  Kung gustong magkape, maaaring ugaliing pumili ng isang kapehan na mas mura at  itinaguyod ng isang kapwa Pilipino na siyang gumagawa ng paraan para maiahon  ang sarili. Dahil mas mura ang produkto sa lokal na negosyo, hindi lamang ito  praktikal sa mag-aaral na mahilig magkape tuwing nag-aaral kundi nakatutulong  pa ito sa paghahanap-buhay ng kapwa niya kababayan.

Bilang Kasapi ng isang Pamilya at Lipunan

Dapat ay  nag-iipon ang isang indibidwal para sa kanyang kinabukasan: mga magiging  pangangailangan pa, para sa pag-aaral at / o pagkuha ng trabaho sa hinaharap o  para sa pagnenegosyo, at napakarami pang iba.  

Dahil ang ekonomiks ay pag-alam sa limitasyon ng mga  pangangailangan ng isang tao, ang isang kasapi ng pamilya ay dapat may kanyang  ambag hindi lamang para sa sarili niya kundi para sa pamilya at  maiimpluwensyahang lipunan.

Mga Kahalagahan pa ng Ekonomiks

  1.  Nagsusumikap ang isang mag-aral na kapag  nakapagtapos ay hindi mapapabilang sa unemployed rate ng bansa at makatutulong  pa sa pag-unlad at pag-asenso ng ekonomiya ng bansa.
  2.  Dahil sa kaalaman sa ekonomiks at daloy ng pera sa  bansa, nauunawaan dapat ng isang mamamayan kung bakit may mga mahihirap na tao.  At dahil dito, dapat nagsusumikap ang isang mamamayan para mabigyan ng mas  maayos na pamumuhay ang mga tao sa kanyang paligid. Ito ay malaking pag-ambag sa  ekonomiya para maging maganda ang distribusyon ng mga yaman sa lahat ng tao sa  lipunan. Dapat alam din ng mga mamamayan na ang pagbabayad ng buwis ay  kailangan dahil ito ang nagiging dugo ng pamahalaan para paglingkuran nang  maayos ang lipunan ngunit dapat batid din ng mamamayan na kailangan niyang  kumilos at lumaban para baguhin ang sistema ng pamahalaang nagiging korap at  gahaman sa yaman ng bayan.
  3.  Naaapektuhan ng kaalaman sa ekonomiks ang politikal  na perspektibo ng isang tao lalo kapag pumipili ng mga pinuno na  maglilingkod. Dahil sa ekonomiks, nahahalata ng mga mamamayan kung sino lang  ang may mga personal na agenda, sariling interes, at kung sino ang totoong  inaalay ang sarili sa bansa dahil wala siyang conflict of interests, hindi  kabilang sa pamilyang nasa political dynasty, at hindi pumapanig sa mga  pinunong kilala na bilang mga korap na tao.  

  • Para sa epekto ng ekonomiks sa pangaraw araw na pamumuhay, tingnan ang: brainly.ph/question/347921
  • Para sa kahulugan ng Ekonomiks: brainly.ph/question/302889
  • Para sa Kahalagahan ng lokasyon ng pilipinas sa ekonomiya at politika sa asya at mundo, tingnan ang: brainly.ph/question/320633  
  • Bakit itinuring  na agham panlipunan ang ekonomiks? Bisitahin ang: brainly.ph/question/157076

Kahalagahan ng Ekonomiks sa Lipunan:

Ang ekonomiks ng Pilipinas ay isa sa mga isinasaalang-alang na talakayin sa  ASEAN.

Ano ang Layunin ng ASEAN?

Layunin ng  samahang ito ang:

  1. Pagtaguyod ng paglago ng ekonomiya at kaunlarang panlipunan.
  2. Pagsulong ng mga kultura sa mga kasapi
  3. Pagpapalaganap ng kapayapaang  pangrehiyon

Ano ang Kahalagahan ng ASEAN?

Ang mga bansang-kasapi ng ASEAN at  nakapagpatibay ng mga pangunahing prinsipyo para sa kanilang mga ugnayan ng mga bawat isa.

Ano-anong Bansa ang kasapi sa ASEAN?

Ito ay itinatag noong 8 Agosto 1967 at  binubuo ng mga bansang:

  • Indonesia
  • Malaysia
  • Pilipinas
  • Singapore
  • Thailand.

Ano ang ibig sabihin ng ASEAN summit?

Ang ASEAN o Association of Southeast Asian Nations summit ay  isang kapisanang pang-heopolitika, pang-ekonomiya, at pangkultura ng  mga bansa sa Timog-Silangang Asya.