IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw at konkritong sagot. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.


Pinatnubayang Pagsasanay 2



A. Panuto: Basahing mabuti ang tula. Isulat sa Hanay A ang mga pang-angkop at sa Hanay B naman ang mga pangatnig na ginamit dito. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.



eto po Yung kwento

Ang Piring ng Batas

Hango sa Pinagyamang Pluma

Wika at Pagbasa para sa Elementarya, Pahina 329-330



Hindi ko pa rin matiyak,

Sinasabi nilang may piring ang batas.

Ang nasa larawan ay magandang dilag,

May takip ang mata’t timbangan ang hawak.



II

Ilang beses na bang ating naririnig?

Maraming naapi’t laging ginigipit,

Katarungan lagi ang iginigiit,

Karamihan dito’y yaong maliliit.



III

Sadya bang malayo para sa mahirap,

Ang maging kapantay ng nakaangat,

Kung pag uusap’y tungkol sa batas,

Mayroon bang paraan upang maging patas?



IV

Huwag na nga tayong magpatumpik-tumpik,

Nagaganap ito bawat isang saglit,

Huwag mo nang sabihing ito’y kathang -isip,

Tanggapin na natin kahit pa masakit.







V

Kapagka mayaman ang siyang nagkasala,

At kayang bumayad ng de Campanilya,

Asahan mong kung di man siya makalaya,

Kaunti lang ang pataw, tipid ang parusa.



VI

Di kaya ay dahil may mga rebelde,

May nasa kanan at may kaliwete,

Gustong mahayag ang bawat mensahe,

Katarungan ang siyang sigaw na parati?



VII

May takip ang mata, hawak ay timbangan,

Ano ba talagang nais ilarawan,

Nang di pa makita ang api’t mayaman,

O siya’y nahihiya’t ang hatol ay sablay?









VIII

Magkaganoon pa ma’y dapat di mawala,

Ang ating pag-asa’t, ang paniniwala,

Hindi naman lahat sumasalaula,

May piring na batas ang dinadakila.


sagutin nyo po ng maayos pls​


Pinatnubayang Pagsasanay 2 A Panuto Basahing Mabuti Ang Tula Isulat Sa Hanay A Ang Mga Pangangkop At Sa Hanay B Naman Ang Mga Pangatnig Na Ginamit Dito Isulat A class=