Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot. Ang aming mga eksperto ay nagbibigay ng mabilis at eksaktong sagot upang tulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

mga katangian ni elpidio quirinio


Sagot :

Answer:

Katangian Bilang Pangulo ni Elpidio Quirino

May mga nagsasabi na ilan sa mga katangian bilang pangulo ni Elpidio Quirino ay ang pagiging kurakot at tapat na alipin ng mga Amerikano. Sinasabi rin na siya ay maluho dahil sa mga binili nitong kasangkapan na yari sa ginto. Ngunit, lingid sa kaalaman ng marami ang mga magagandang katangian bilang pangulo ni Elpidio Quirino. Ilan sa mga ito ay ang pagiging makabayan at masipag.

Kabilang rin sa mga katangian bilang pangulo ni Elpidio Quirino ay ang pagiging masikap lalo na sa paggawa ng proyektong naglalayong maibangon ang bansa sa kahirapan. Si Pangulong Elpidio Qurino ay naging masigasig sa pagsusulong ng iba't ibang batas na makatao. Natunghayan rin ang kanyang pagiging mapagpatawad nang bigyan niya ng executive clemency ang mga sundalong Hapon sa kabila ng pagpaslang ng mga ito sa kanyang asawa at tatlong anak noong panahon ng digmaan.

Mga Bunga ng Katangian Bilang Pangulo ni Elpidio Quirino

Ilan sa mga nagawa ni Elpidio Quirino bilang pangulo ay ang mga sumusunod:

*Naitatag niya ang Social Security Commission na ngayon ay Social Security System (SSS).

*Naging ligtas na tuluyan ng mga refugees ang Pilipinas noong nagkagulo sa Russia dahil sa mga komunista.

*Isinulong niya na pataasin ang sahod ng mga guro.

*Dahil sa executive clemency, nagkaroon ng magandang ugnayan ang Pilipinas at bansang Hapon.

*Inaprubahan niya ang pagkakatayo ng Maria Cristina Hydroelectric Power Plant sa Lanao.

Explanation: