Tuklasin ang mundo ng kaalaman at mga sagot mula sa komunidad sa IDNStudy.com. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.
Answer:
Tuwing may makikita kayong mga bata na naghihirap, nakatira sa slum areas, nagugutom at nag-iisa, huwag ninyo silang ipagwalang-bahala. Bigyan ninyo sila ng pansin at tulungan. Ito ay naunawaan ni Efren Penaflorida, Jr. dahil minsang naging ganoon din siya – nakatira sa open dumpsite, naglalaro sa imbakan ng basura kung saan marumi, mabaho at ang mga bata ay nagugutom, nahihirapan at halos hindi nakakapag-aral. Lumaki siyang mahirap at minsang naranasan ding ma-bully ng ibang bata. Subalit hindi naging hadlang ang mga pangyayaring ito sa kanyang buhay upang ipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral ito ang nagtulak sa kanya upang tumulong at magkawanggawa sa mga kabataan.