Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.

bumuo ng isang tula tungkol sa iyong ina na may malayang sukat. Ang bawat saknong ay binubuo ng apat na taludtod at ito ay may tugmaan.​

Sagot :

Sa Huling Silahis

ni: Avon Adarna

1

Inaabangan ko doon sa Kanluran,

Ang huling silahis ng katag-arawan,

Iginuguhit ko ang iyong pangalan,

Sa pinong buhangin ng dalampasigan.

2

Aking dinarama sa hanging habagat,

Mga alaala ng halik mo’t yakap,

Sa bahaw na simoy ng pagkakasangkap,

Ay nagdaang samyo ng iyong paglingap.

3

Ginugunam-gunam, sinasaklit-anyo,

Ang iyong larawan at mga pagsuyo,

Ang lungkot ng diwa’t dibdib pati puso,

Sa kutim na ulap nakikisiphayo!

4

Sa pag-aagawan ng araw at buwan,

At pagkapanalo nitong kadiliman

Ay nakikibaka ang kapighatian,

Sa pangungulila sa iyong pagpanaw.

5

Ang iyong pag-iral, hindi na babalik,

Kahit na ako’y lubos na tumangis

Pag-ibig na lamang na igting na nais

Ang makakapiling sa huling silahis.

-

Isang halimbawa ng tagalog na tula na may sukat at tugma na tungkol

HOPE IT HELPS

#CARRYONLEARNING