IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa malinaw at eksaktong mga sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.

Sumulat ng isang balitang panradyo ukol sa pandemya na nangyayari ngayon ng ating bansa sa at bubuo ng dalawang talata na may limang pangungusap sa bawat talata.



Sagot :

Answer:

Sa kabila ng pangyayaring nagaganap sa buong mundo nang dahil sa pandemya, marami ang naghahangad ng agarang solusyon mula rito. Kung kaya ang mga ahensya ng gobyerno ay maigting na sinisiyasat ang mga problema ng bansa ukol dito. Sa pahayag mula sa Departamento ng Kalusugan, nagkaroon tayo ng higit 9,000 na kaso ng COVID ngayong araw. Ito ay naging karagdagan sa halos 1.1M na may kaso ng COVID dito sa bansa. Ang Pinipinas ang ikalawa sa pinakamadaming kaso ng Corona Virus dito sa Timog-Silangang Asya.

Nakapanayam ang isa sa mga pulmonologist ng Zamboanga Del Norte ukol sa tumataas na kaso sa lugar. Ayon kay Dr. Philip Limsi, siya ay nalulungkot sapagkat marami pa rin ang hindi ma-admit sa hospital sa kakulangan ng mga aparatos. Ayon naman sa panayam kay Provincial Health Officer Dr Esmeralda Nadela, magkaroon man ng maraming higaan para sa mga pasyente, ang mga nars na naka-duty ay kulang pa rin. Ngayon, ang Zamboanga Del Norte ay nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine. Isa lamang ito sa mga sitwasyon na nangyayari ngayong araw sa bansa patungkol sa pagtaas ng kaso ng corona virus.

Explanation: