Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa at makakuha ng mga sagot sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

ano Ang mga bagay na dapat gawin na nagpapakita ng paggalang​

Sagot :

Answer:

Pag mano, pag opo sa nakaktanda

Answer:

Maraming paraan ang mga Pilipino magbigay galang sa kanilang mga nakatatanda. Sa paanong paraan natin maipapakita ang respeto o pagbigay galang sa ating mga Lola at Lolo? Tito at Tita? Sa paanong paraan naman natin maibibigyan galang at pansin an gating mga bisita sa bahay? Sa paanong paraan ng pananalita naman ang dapat natin gamitin kapag ang

Upang maliwananagan tayo, lalo sa mga paraan na ito ay magpapaliwanag ako kung paano at bakit natin ito kailangang gawin. Ang pagmamano ay isa sa mga paraan upang magpakita ng respeto at galang sa ating mga lolo at lola, io at tita, ito ay napabibilang sa isa sa mga tradisyon ng mga Kastila para magpakita ng respeto sa kanilang mga nakatatandang kamag- anak. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagkuha ng kamay ng nakatatandang kamag- anak at tinatapik ito sa ating noo.

Ang pagiging maasikaso ay isa sa mga nakasanayan ng mga Pilipino kapag mayroon silang bisita sa kanilang tahanan. Ang pagbibigay ng mga pagkain at inumin sa bisita na kagagaling pa lang sa kanilang biyahe. Ang pagaalok ng kuwarto na puwede nilang matulugan upang magpalipas ng gabi ay isa na rin sa mga halimbawa ng pagiging maasikaso.

Ang paggamit ng Po at Opo ay isa sa mga paraan ng pananalita na nagpapakita ng pagiging magalang sa ating mga nakatatanda. Ang Po at Opo ay ginagamit upang magbigay galang at respeto dahil kapag hindi natin ito ginamit ay maaaring tawagin tayong bastos ng ating mga nakatatanda.

Mayroon pang maraming mga halimbawa ng pagpapakita ng respeto at pagbibigay galang sa ating mga nakatatanda sa loob ng kulturang Pilipino, ang nabanggit ko lamang ay tatlo sa dinami- raming mga halimbawa sa kulturag Pilipino. Ang pagmamano na ginagamit sa ating mga nakatatandang kamag- anak, ang pagiging maasikaso na pinapakita sa mga bisita na kagagaling pa lamang sa biyahe at ang paggamit ng Po at Opo na nagpapakita ng paggalang at respeto sa mas nakatatanda sa atin.

HOPE IT HELPS PO

PA BRAINLIST ANSWER PO THANK YOU