Makakuha ng maaasahan at pangkomunidad na mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto, handang magbigay ng mabilis at tiyak na solusyon.

sumulat ng isang talumpati pang-SoNA sangguniang kabataan chairman​

Sagot :

Answer: Eto po sana makatulong

Explanation:

ANG SANGGUNIANG KABATAAN  

Ang kasabihang “ang mga kabataan ay ang pag-asa ng Bayan” na nagmula kay Gat Jose rizal ay nananatiling makatotohanan hanggang ngayon. Bilang ang kabataan ang bumubuo sa malaking porsyento ng populasyon ng bansa at ang mga ito ang pinakamasigla at pinakaprodutibong sektor ng lipunan, masasabing ang kabataan ay isa sa mga susing bahagi sa pagunlad ng lipunan.

Dahil na rin sa pagkilala ng Saligang Batas ng Pilipinas sa gampanin ng kabataan sa pagbuo ng lipunan at pagpapanatili ng nasyonalismo na makikita sa Article II, Section 13 ng 1987 Constitution – “the State recognizes the vital role of the youth in nation-building and shall promote and protect their physical, moral, spiritual, intellectual, and social well-being. It shall inculcate in the youth, patriotism and nationalism, and encourage their involvement in public and civil affairs,” nabuo ang Sangguniang Kabataan (SK)  sa pamamagitan ng Local Government Code of 1991 (RA 7160).  

Kinikilala ang mga miyembrong naihalal sa SK bilang opisyal ng gobyerno, isa sa kanilang mandato ay ang maglunsad ng mga konsultasyon sa mga kabataan ng barangay na kanilang nasasakupan. Sa pamamagitan ng konsultasyon na ito nabubuo ang Comprehensive Barangay Youth Plan upang maging basehan ng taunang Barangay Youth Investment Program. Dagdag pa rito ang kahalagahan ng pagsasagawa ng mga training at oryentasyon ng mga miyembro ng SK patungo sa pagpapaunlad ng mga kakahayan ng kabataan.  

Nakita natin kung ano ang importanteng gampanin ng SK sa pagrepresenta sa hanay ng kabataan at pangununa sa mga programa at kampanyang para sa komunidad at pati na rin pakikiisa sa ibang sektor ng lipunan. Kaya naman nasa estrtihikong posisyon ang SK at ang kabataan upang isulong ang adyenda ng mga kabataan. Patuloy ang hamon sa SK upang maging kasangkapan sa pagbibigay katuparan sa pangangailangan ng sektor ng kabataan pati na rin ng mas malawak na hanay ng masang Pilipino.  

Ang SK bilang institusyon ng mga kabataan ay dapat isa sa mga nangunguna sa pagsulong ng mga programang sasagot sa mga primaryang problemang kinakaharap ng sektor ng kabataan. Isa na rito ang naging maingay na kampanya noong nakaraang taon para sa libre, dekalidad, at aksesibong edukasyon – matapos ang matagal na pag giit ng kabataan para sa kanilang karapatan para sa edukasyon ay naisapatupad na ang RA 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act na mituturing na tagumpay ng ilang taong militanteng pakikibaka ng sektor ng kabataan – marami pa ring maaring paunlarin sa batas na ito kaya nanatili ang ating laban para sa karapatan sa edukasyon.  

Inaasahang representante rin ang SK ng kabataan sa kanilang barangay, dahil dito, dapat ito ay nangunguna sa pagsulong ng pantay na karapatan at pagkilala para sa lahat ng Pilipino ano pa man ang kasarian, paniniwala, relihiyon, at etnisidad. Maaring magtaguyod ng gender desk sa mga barangay at iba pang mga mekanismo upang mapangalagaan ang mga kabataan, kababaihan, at mga may-piniling kasarian.  

Hamon din sa SK na magbigay serbisyo sa pamamagitan ng pagtugon sa mga programang pangkalusugan at iba pang serbisyong panlipunan sa pamamagitan ng pagkumpuni ng isang komprehensibong programa para sa mga serbisyong ito.  

Hindi nahihiwalay ang laban ng kabataan sa laban ng malawak na hanay ng mamamayan, kaya naman nararapat din na kaisa ang SK sa makinarya upang wakasan ang kontraktwalisasyon at pang-aabuso sa mga mangagawa lalo na’t may mga kabataan din na parte ng lakas paggawa.  

Ang SK ay dapat naglalapit sa mga kapwa kabataan sa pag-ahon ng sariling komunidad at ng bayan sa pamamagitan ng mga makabuluhan, aktibo, produktibo at makabayang pakikilahok sa mga panlipunang mga mobilisasyon at boluntirismo nang paunlarin ang estado ng mga kabataan, nagpapalahok sa kapwa kabataan sa pagbabalak, implementasyon, at pagtatasa sa mga programa at polisiya ng gobyerno hinggil sa proteksyon ng kalikasan at pagpigil sa polusyon, nagpapataas ng partisipasyon ng mga kabataan sa pagpreserba, pagprotekta at pagpapaunlad at pagsusulong ng makabayan, makamasa at siyentipikong kulturang Pinoy, at nagpapalakas ng pagtutulungan ng mga migranteng kabataang Pilipinong at mga Pilipino sa loob ng bansa