IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw na sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.

salungguhin ang pang abay at bilugan ang pandiwang inilalarawan sa pangugusap.
PA HELP PO ​


Salungguhin Ang Pang Abay At Bilugan Ang Pandiwang Inilalarawan Sa PangugusapPA HELP PO class=

Sagot :

Answer:

Pang-abay

1.)mahusay

2.)Pabulong

3.)malalim

4.)madaling

5.)Sama-sama

6.)mabuti

7.)Marahang

8.)Kamuntik

9.)Magiliw

10.)maayos

Pandiwa

1.)magdrowing

2.)magsalita

3.)sumisid

4.)paliwanag

5.)naglakad

6.)Pinaalalahanang

7.)lumangoy

8.)magkabungguan

9.)sinalubong

10.)ibinalik

Step-by-step explanation:

URI NG PANG-ABAY: 9 Na Uri Ng Pang-abay, Mga Halimbawa Nito

Kilalanin ang 9 na Uri ng Pang-abay at mga Halimbawa nito

URI NG PANG-ABAY – Narito ang siyam(9) na uri ng pang-abay at ang mga halimbawa ng bawat isa.

Isa sa mga bahagi ng pananalita na maraming uri ay ang pang-abay. Isa rin ito sa mga bahagi ng pananalita na kadalasan ay makikita sa mga pangungusap.

Ano ang pang-abay?

Ang pang-abay o adberbyo ay ang bahagi ng pananalita na nagbibigay katuringan o naglalarawan sa pang-uri, pandiwa, o maging sa kapwa nito pang-abay. Ito ay tinatawag na adverb sa wikang Ingles.

Ang bahagi ng pananalita na ito ay may maraming uri. Sa katunayan, mayroong siyam(9) na uri ng pang-abay – pamanahon, pamaraan, panlunan, pang-agam, panang-ayon, pananggi, pamitagan, pampanukat, panulad, at pamitagan

9 na Uri ng Pang-abay at mga Halimbawa nito

1. Pang-abay na Pamanahon

Ang pang-abay na pamanahon ay nagbibigay turing sa kilos ng pandiwa. Ito ay nagsasaad kung kailan ginawa, ginagawa, o gagawin ang kilos.

Mga Halimbawa: Bukas, Kanina, Gabi-gabi

2. Pang-abay na Pamaraan

Ang pang-abay na pamaraan ay nagsasaad kung paano isinagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap.

Mga Halimbawa: Hinay-hinay, Malakas, Mabilisan

3. Pang-abay na Panlunan

Ang Pang-abay na Panlunan ay nagsasaad ay tumutukoy sa pook kung saan naganap ang kilos o pangyayari.

Halimbawa: Umalis papuntang parke ang mga bata.

4. Pang-abay na Pang-agam

Ang pang-abay na pang-agam ay nagsasaad ng hindi lubusang katiyakan tungkol sa isang bagay o kilos.

Mga Halimbawa: Marahil, Tila, Baka

5. Pang-abay na Panang-ayon

Ang pang-abay na panang-ayon ay nagpapakita ng pagsang-ayon sa isang bagay o pangyayari.

Mga Halimbawa: Totoo, Syempre, Tunay

6. Pang-abay na Pananggi

Ang pang-abay na pananggi ay nagsasaad ng pag tutol sa kilos na ginawa, ginagawa, o gagawin pa lamang.

Halimbawa: Hindi ako sang-ayon na lumabas kayo mamayang gabi.

7. Pang-abay na Pamitagan

Isa sa mga uri ng pang-abay na kadalasan makikita sa mga pangungusap ay ang pang-abay na pamitagan. Ito ay nagpapakita ng paggalang.

Halimbawa: Saan po ba ang punta ninyo mamayang gabi?

8. Pang-abay na Pampanukat

Ang pang-abay na pampanukat ay nagbibigay turing sa sukat, bigat, o timbang ng isang tao o bagay.

Halimbawa: Limampu’t pitong kilometro ang layo ng bahay nina Geoffrey at ng pamilya niya sa bahay ni Tiya Mirasol.

9. Pang-abay na Panulad

Isa pang uri ng pang-abay ay ang pang-abay na panulad. Ayon sa Answers, ito ay nagsasaad ng pagkakatulad o paghahambing ng dalawang tao, bagay, pook, o pangyayari.

Mga Halimbawa: Higit, Mas, Magkasing

PANDIWA: Ano Ang Pandiwa, Mga Halimbawa Ng Pandiwa

Kilalanin Kung Ano Ang Pandiwa at ang mga Halimbawa ng Pandiwa

PANDIWA – Narito ang sagot sa tanong na, “Ano ang Pandiwa?” at ang mga halimbawa ng pandiwa.

Isa sa mga bahagi ng pananalita na itinuturo sa elementarya at sa sekondarya ay ang pandiwa. Hindi maikakaila na isa ito sa pinakamadaling matukoy sa isang pangungusap.

Ano ang pandiwa?

Ito ang bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw ng isang tao, bagay, o hayop. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay takbo, alis, uminom, kumain, umiyak, at binigyan.

Halimbawa ng Pandiwa at Pangungusap Gamit ito:

Narito ang ilang pangungusap na gumagamit ng bahagi ng pananalita na ating tinatalakay sa artikulong ito. Nawa’y makatulog ito sa inyo lalong-lalo na sa mga mag-aaral.

1. Nilakbay nina Haring Adan at Haring Perculo ang bundok ng San Juan sa paghahanap sa nawawalang reyna.

2. Hindi man lang nagpaalam si Jerry kay Jona noong umalis siya papuntang Macau.

3. Inutusan ng nanay si Andres na pumunta kay Aling Nena at bumili ng yelo.

4. Sina Dominic at Nicolai ang kumain ng mga natirang pagkain mula sa handaan sa nayon.

5. Walong taong hinintay ni Avery ang pagkakataon na makitang muli ang nawawalang ama.

6. Umalis si Stanley hindi para sa sarili niya kung hindi ay para sa kinabukasan ng asawa niya at ng apat nilang anak.

7. Umamin na si Jefferson na siya ang kumuha ng pera na nakatago sa aparador ni Kiko.

8. Nabalitaan ni Tony na nakauwi na mula ibang bansa ang matalik niyang kaibigan na si Marcus kaya agad-agad siyang pumunta sa bahay nito.

9. Hindi alam ni Savey ang gagawin kaya nagbihis siya at nagsimulang lumakad patungo sa bahay ng kaklase niyang si Jim.

10. Binalik ni Cynthia ang bigay ni Joel dahil hindi raw niya ito kakailanganin kahit kailan.

11. Apat na lalake raw ang kumuha sa dalagitang nawawala sa bukid ng Tinayawan.

12. Pumatak ang tubig mula sa bubong kaya nabasa ang sanggol na natutulog sa higaan.

13. Binigyan siya ng kanyang manliligaw ng isang kotse pambabae.

14, Agad niyang kinuha ang bata mula sa matandang babae.

15. Ipinasok ni Justin sa garapon ang natitirang tsokolate na bigay ni Erica sa kanya.

HAVE FUN LEARNING PO TAYO GUYS =)