IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa eksaktong mga sagot. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.

bakita siyang isang leong umaatungal sa sakit. Hindi na inisip ni Androcles ang
bangis ng leon. Agad niya itong nilapitan.
Androcles: Kawawa ka naman. May tinik palang nakabaon sa paa mo. Huwag kang
gagalaw at bubunutin ko ang tinik. (Binunot nga ni Androcles ang tinik.) Kailangan na
lang nating bendahan ang sugat mo. (Pinunit niya ang kanyang kamisadentro at
ginawang bendahe.) O sige, umalis
ka na. (Tumalikod si Androcles subalit sumunod
ang leon.) Bakit ka sumunod sa akin? (Nakatingin lamang ang leon na parang
nagmamakaawa.)
Tagasalaysay: Matagal na nagsama si Androcles at ang leon. Tumulong pa nga ang
leon sa paghahanap ng pagkain. Ngunit isang araw may dumating na mga sundalo
sa gubat upang hanapin ang nawawalang alipin.
Unang Sundalo: Mabuti pa kaya ihinto na natin ang paghahanap. Wala siguro dito
ang aliping iyon.
Pangalawang Sundalo: Hindi! Kabilin-bilinan ng Emperador na hulihin ang alipin.
Hanggang hindi natin siya makikita, hindi tayo hihinto.
Tagapagsalaysay: Dahan-dahan pumasok ang mga sundalo sa kweba kung saan
natutulog si Androcles kaya madali itong nahuli. Iginapos na si Androcles nang
biglang dumating ang leon. Sasakmalin na sanaito ng sundalo nang biglang
sumigaw si Androcles.
Androcles: Huwag po! Maawa kayo sa kanya hulihin n'yo na lang po siya ng lambat.
Unang Sundalo: Kung hinayaan mo sanang ipagtanggol ka ng iyong alaga, di sana
ay nakatakas ka.
Androcles: Ayaw kong mapahamak ang leon dahil sa akin.
Mga Tanong:
1. Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento?
2. Saan naganap ang kwento?
3. Bakit nagtatago si Androcles sa gubat?
4. Sa palagay mo mabuting tao ba si Androcles? Bakit?
5. Mabangis nga ba ang leon sa kwento? Bakit?
6. Sabihin ang katangian ng bawat tauhan:
a. Androcles
b. Unang Sundalo
c. Pangalawang Sundalo​


Sagot :

Answer:

1. Leon , androcles at mga sundalo.

2. sa gubat