IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa malinaw at maaasahang mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Si Carlos P. Romulo ang unang Asyano at hindi puting pangulo ng
Pangkalahatang Asemblea at Konsehong Panseguridad ng United Nations.
Isinilang si Romulo noong Enero 14, 1899 sa Camiling, Tarlac. Nagtapos
siya sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1918 nang may titulong Batsilyer sa
Arte. Natapos ni Romulo ang kanyang titulong Masters noong 1921 sa
Unibersidad ng Columbia. Iginawad sa kanya ang Doctor of Laws, Honoris
Causa mula sa Unibersidad ng Athens, Greece.
Siya ang aide-de-camp ni Heneral Douglas MacArthur sa Bataan at
Corregidor. Sinamahan niya si General MacArthur at ang mga puwersang
tagapagpalaya sa pagsalakay sa Leyte at pagkaraa’y sa pagbawi sa Maynila.
Ginawa din siyang U.S. Army Brigadier General dahil sa lahat ng kanyang
nagawa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naging pangulo siya ng
Pangkalahatang Asemblea ng United Nations. Naging kalihim din siya ng
Deparment of Foreign Affairs ng Pilipinas noong 1950s hanggang sa huling
bahagi ng 1970s.
Naging kasapi din si Romulo ng Lupon ng Rehente ng Unibersidad ng
Pilipinas noong 193? – 1941. Ang Lupon ng Rehente ang pinakamataas na
pangkat na lumilikha ng patakaran sa Unibersidad Pilipinas. Ito rin ang pangkat
na nagpapasiya kung aling pangangailangan o proyekto ang dapat bigyang
pansin ng unibersidad. Naging Pangulo din siya ng Unibersidad ng Pilipinas at
pagkaraa’y Kalihim ng Edukasyon.
Explanation:
I'm new here po correct me nlang po if I'm wrong
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Bisitahin kami palagi para sa pinakabagong impormasyon.