IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng mabilis at eksaktong mga sagot. Ang aming mga eksperto ay nagbibigay ng mabilis at eksaktong sagot upang tulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

Mula sa pagdating ng mga Espanyol hanggang sa sila ay
umalis, nagging malaking hamon sa kanila ang mga Muslim sa
Mindanao. Maraming matatapang na Pilipinong Muslim ang lumaban sa
mga Espanyol upang hindi sila masakop ng mga ito. Gumawa sila ng sariling
armas na kanilang ginamit laban sa mga dayuhan. May mga ipinadalang
ekspedisyon ang pamahalaang kolonyal sa Mindanao upang sakupin ito
ngunit hindi sila nagtagumpay na lupigin ang mga Muslim at sakupin ang
buong Mindanao. Hindi nila nasakop ang lugar na ito dahil hindi nila
napasuko ang mga Muslim.
Kung ikaw ay isang katutubong Pilipino na nag-aalsa noong unang
panahon laban sa mga Espanyol, anu-anong mga katangian ang dapat
taglayin upang maipagpatuloy ang himagsikan laban sa mapang-abusong
pananakop?​


Sagot :

Sagot:

Kailangan dapat tayo ay matapang, kailangan rin natin ng sapat na kaalaman bago tayo mag-alsa laban sa mga mananakop. Huwag tayong basta-bastang susuko at mawalan ng pagasa dahil makakamit rin natin ang matagal na nating pangarap na ang "Makawala mula sa mga kamay ng mananakop".