Makakuha ng eksaktong at maaasahang sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Answer:
Samu't sari ang mga Basurang nagkalat sa ating komunidad o kapaligiran. Maraming mga bagay na akala ng tao ay patapon na ngunit ang hindi nila alam ay marami pang puwedeng gawin sa mga bagay na ito na inaakala nilang basura na kailangan na nila itapon. Ngunit dahil malikhain ang mga Pilipino hindi nila alam na ito ay atin pang puwedeng pag kakitaan o pakinabangan
Sa pagrerecycle na ito nababawasan ang kalat sa paligid at makakabawas ito sa pagkakasakit ng tao dahil sa basura.Ang isang pangkaraniwang pamilya ay nagtatapon ng basura kada taon. Karamihan sa mga basurang itinatapon ay natatambak lang sa mga dump site na maaari pang gamiting muli. Kung hahayaan lamang na itapon ang lahat ng bagay na maaari pang magamit ay maaaring humantong tayo sa panahong wala na tayong mapaglalagyan pa ng basura. Tayo rin ang mahihirapan nito lalo pa't may kasabihang,"Kung ano ang iyong itinapon ay siyang babalik din sa 'yo." Ang kahalagahan ng pagrerecycle ay maiuugnay sa mga kadahilanan upang maiwasan ang pagdami ng mga kalat o basura, mabawasan ang pagkonsumo ng bago at sariwang mga materyal at mabawasan ang polusyon tulad ng polusyon ng hangin at tubig.Maraming pananagutan ang gobyerno na hindi natin maaaring ipaubaya nalang lagi sa kanila. Katulad ng ating kalusugan: kahit na nagbabayad tayo ng Philhealth, di pa rin maaaring pabayaan ang ating sariling kalusugan. Ganoon din sa ating basura at sa ating kalikasan, mayroon tayong personal na pananagutan sa mga ito, tulad ng pag-iingat natin sa ating sariling kalusugan.
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan at pagkatuto. IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang kasama para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin kami palagi.