Ang industriyalisasyon, rebolusyong industriyal, rebolusyong pang-industriya, himagsikang pang-industriya, o himagsikang industriyal ay isang prosesong nangyayari sa ilang mga lipunan. Binabago ng industriyalisasyon ang lipunan kung saan ito nagaganap. Habang nangyayari ang industriyalisasyon, ang pagmamanupaktura ay nagiging mas mahalaga kaysa pagsasaka. Isa itong bahagi ng proseso ng modernisasyon. Sa paggamit ng mas mainam na teknolohiya, nagiging maaaring makagawa ng mas maraming mabubuting mga daladalahin sa loob ng mas maiksing dami ng panahon. Mas maraming magagawang produktong bagay ang isang tao. Mas nakakagawa rin ng mas maraming natatanging mga bagay ang tao.