Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng mga taong handang tumulong. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.
Answer:
Ang Ramayana[1], o "ang salaysay ukol kay Raghava Rama" o "ang mga ginawa ni Rama"[2] (marami pang ibang pangalang may karugtong na Rama, isang pamagat ng tao), ay isa sa dalawang pinakamahalaga at dakilang tulang epiko ng sinaunang India[2], bukod sa Mahabharata. Unang isinulat sa wikang Sanskrit – isang maagang wika sa Indiya – ng isang paham, o rishi, na si Valmiki noong mga 300 BK.[2] Naglalaman ang aklat ng mga 96,000 taludtod at nahahati sa pitong mga bahagi. Tungkol sa buhay ni Prinsipe Rama ang patulang salaysaying ito, na umalis mula sa Ayodha – ang kabisera ng kanyang kaharian ng Oudh sa hilagaing Indiya[2] – para hanapin ang kaniyang asawang si Sita na dinukot ni haring Ravana, isang dimonyo. Ibig ng bayaning-diyos na si Ramang sagipin si Sita mula kay Ravana. Nagtagumpay si Rama sa pamamagitan ng pagtulong ng hari at hukbo ng mga unggoy.
Explanation:
Sana po matulungan po kau stay safe po