IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mabilis na sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
5 Human Rights Watch Hulyo 2008
Pang-aabuso sa mga Domestic Worker
Maraming domestic worker ang makakatagpo ng mga responsableng amo na tatrato
sa kanila ng maayos, regular silang sasahuran, at magsisiguro ng maayos na lagay
sa paggawa. Ang mga karanasang ito ang nagsisilbing batayan ng malawak na
pananaw na mayroong mapagkakakitaan at nakakapukaw na trabaho sa ibang
bansa. Sa kasawiang-palad, suwerte at hindi garantiya ang nagtatakda kung
makakahanap sila ng kalagayang tutupad sa minimum standards ng isang disenteng
trabaho. Ang mga hindi naman papalarin ay maaaring maipit sa mga
napakamapagsamantalang kalagayan na kokonti ang pagkakataong lumabas (exit
options).
Ginagamit ng ilang amo ang kanilang kontrol sa ligal na katayuan ng mga
migranteng domestic worker at sa pag-iwas sa pananagutan sa labor laws ng Saudi
Arabia. Sa mga panayam sa mga domestic worker, diplomatiko ng mga
nagpapadalang bansa, at opisyal ng Saudi, karaniwang di-pagbabayad o kulang na
pasahod ang nagiging reklamo. Dagdag pa rito, maraming kababaihan ang
nagsabing mas mababa ang natatanggap nilang sahod kumpara sa sahod na
ipinangako sa kontratang kanilang pinirmahan bago sila umalis ng sariling bansa.
Naisadokumento namin ang ilang kaso ng pisikal at psychological na pang-aabuso
ng mga amo at ng mga recruitment agent sa ilang kaso. Ilang halimbawa ng pang-
aabuso ay ang pambubugbog, pagpaso ng mainit na plantsa, pananakot, pang-
iinsulto, at ilang anyo ng panghihiya tulad ng pagkalbo sa mga domestic worker.
Pangkaraniwan din ang hindi pagpapakain. Naikuwento rin ng ilang kababaihan ang
mga kaso ng rape, attempted rape, at sexual harassment. Karaniwan itong ginagawa
ng mga among lalake o mga anak na lalake ng mga ito. Sa ilang pagkakataon,
ginagawa rin ito ng ibang mga dayuhang manggagawa na hiningan ng tulong ng mga
domestic worker. Iniulat ng mga embahada na kakaunti lamang ang mga
kababaihang lumalapit sa mga maykapangyarihan sa Saudi upang magreklamo
dahil sa takot na sila ang makasuhan ng adultery, pakikipagtalik, at iba pang imoral
na asal.
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong magpapaunlad ng kaalaman para sa lahat. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Bisitahin kami palagi para sa pinakabagong impormasyon.