IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan para sa eksaktong at maaasahang mga sagot. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
1. Ginaganap ang mga drama sa iba't ibang media: teatro, radyo, pelikula, at telebisyon. Kadalasang may kasamang musika at sayaw: inaawit sa buong katagalan ang drama sa opera; kabilang sa mga musikal ang sinasalitang usapan (dialogue) at mga awitin; at ilang mga anyo ng drama na may instrumentong musikal (halimbawa, melodrama at Nō ng mga Hapon).[2] Sa ilang panahon ng kasaysayan (ang lumang Romano at bagong Romantiko), sinulat ang mga drama upang basahin sa halip na ginaganap.[3] Sa improvisation (pagsasagawa ng kusa), wala pa sa simula ang mga sandali ng pagkakaganap ng drama; gumagawa ang mga gumaganap ng isang dramatikong script ng kusa sa mga manonood.[4]
2. Ang komedya (comedy) ay isang termino mapa-pelikula man o entablado. Ito ay ginagamit kung saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o lihitimong pagpapatawa sa bawat salitang mamumutawi sa kanyang bibig.
3. Ang pelikulang katatakutan o palabas na katatakutan ay isang uri ng pelikula na naglalayon na takutin ang manonood.
4. Ang animasyon (mula Kastila animación) ay ang pagmamanipula sa mga larawan o pigura para pagmukhain na gumagalaw ang mga ito. Isa itong ilusyong optikal. Tradisyonal itong iginuguhit sa isang cel, ngunit ginagawa na ngayon ito sa papel at ini-scan (malimit na proseso sa mga anime), o di kaya'y ginagawa nang direkta sa mga kompyuter. Ginagamit rin ang mga pigurang gawa sa luwad, manika o papet, at maging ng mga ginupit na papel.
5. Romansa (uri), isang uri (genre) ng medibyal at pangrenasimientong pagsasalaysay na gawa-gawang sulatin
Romansa (musika), isang payak, lirikong piraso ng musika para sa solong boses o instrumento; at ang karaniwang pamagat o pangalawang pamagata ng ilang komposisyong musikal
Pelikula ng romansa, isang pelikula na nakasentro sa romantikong pag-ibig
Nobela ng romansa, isang uri ng gawa-gawang sulatin na nakasentro sa romantikong pag-ibig
Romantikong pag-ibig
Romansa (awitin), isang awitin ni Ric Manrique Jr.
Romance (palabas sa telebisyon), isang palabas sa telebisyon sa Timog Korea.
Maraming salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang kasama para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin kami palagi.