Makahanap ng mga solusyon at sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

tutukan Kasunod ng PISA Results: DepEd
ABS-CBN News
Dec 04, 2019 07:55 PM
Patuloy na tututukan ng Department of Education (DepEd) kung paano mapabubuti
ang kalidad ng edukasyon kasunod ng pagiging kulelat ng mga estudyanteng Pinoy sa Math,
Science at Reading Comprehension sa isang assessment na nilahukan ng mga mag-aaral mula
79 na bansa.
“Una 'yong curriculum, that is an ongoing thing. Pangalawa, 'yong teachers,” ani
Education Secretary Leonor Briones.
Pinakamababa sa 79 bansa ang nakuhang marka ng mga Pinoy sa reading
comprehension o pag-intindi sa binasa, base sa resulta ng Programme for International
Student Assessment (PISA).
Mga mag-aaral na Pinoy, pinakamahina sa 79 bansa sa pag-intindi ng
binasa: PISA
Kapuwa ikalawa naman sa pinakamababa ang marka ng Pilipinas sa Math at Science.
Ayon sa DepEd, hindi na sila umasa ng milagro dahil mababa ang mga score ng mga
estudyante sa National Achievement Test.
Sumali sila sa PISA para umano malaman kung ano ang estado ng edukasyon sa
Pilipinas kung ikukumpara sa ibang bansa at pag-aralan kung paano pa ito mapapabuti.
24
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times​


Sagot :

Answer:

Patuloy na tututukan ng Department of Education (DepEd) kung paano mapabubuti ang kalidad ng edukasyon kasunod ng pagiging kulelat ng mga estudyanteng Pinoy sa math, science at reading comprehension sa isang assessment na nilahukan ng mga mag-aaral mula 79 na bansa.

"Una 'yong curriculum, that is an ongoing thing. Pangalawa, 'yong facilities, learning environment. Pangatlo, 'yong teachers," ani Education Secretary Leonor Briones.

Pinakamababa sa 79 bansa ang nakuhang marka ng mga Pinoy sa reading comprehension o pag-intindi sa binabasa, base sa resulta ng Programme for International Student Assessment (PISA).