IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga eksperto para sagutin ang iyong mga tanong. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

Tuklasin Panuto: Basahin at unawain ang kwento sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong na kasunod nito.

Si Ella Akda ni:
Gng. Donna D. Talusan

Si Ella, siyam na taong gulang, isang child vendor. Araw-araw siyang nagtitinda pagkatapos ng eskwela. Dahil sa kakulangan ng pera, sa kadahilanang ang kanyang ina ay may sakit at ang kanyang ama ay umeekstra lamang sa konstraksyon. Ang pagtitinda nila ang tanging paraan para may pangtustos sa araw-araw. Sa awa nya daw sa kanyang mga magulang ay kusa syang tumulong sa paghanap buhay, at pinagsasabay ito sa pag-aaral niya.Sa kakarampot na panindang kendi at sigarilyo sila umaasa. At tanging si Ella ang naaasahan ng kanyang magulang. Ngunit hindi ito naging hadlang para mag-aral ng mabuti. Si Ella, ang top 1 sa kanyang klase simula pa noong Kinder siya hanggang ngayon. Sa kabila ng hirap ng buhay at pagtitinda, nananatili siyang maniniwala na aangat ang kanilang buhay kapag nakapagtapos siya. Masarap mangarap, masarap humiling, ngunit kung tayo ang nasa sitwasyon na ganito. Parang ang hirap mangarap at maging malaya. Puno ng problema at mga suliranin sa buhay. Hindi madali maging isang mahirap. Isa na ata ito sa icoconsider kong may malalakas na fighting spirit na tao ang mga tulad ni Ella. Kasi sa likod ng mga pagsubok, patuloy pa rin silang nagsusumikap at humihiling na sa susunod na mga araw ay makakaahon din. Tulad ng ibang mga bata, dapat sana si Ella ay nakapaglalaro din, nag- aaral at inaalagaan ng magulang. Napakasarap maging isang paslit, masarap maging malaya sa mga problema. Isa na yata ito sa pinakamasayang parte ng buhay ng isang tao... ang maging bata na may karapatang maglaro, mayroong mga kaibigan at magulang na nagaantabay sa lahat ng oras.. nagagamit ng masaya ang oras sa pagaaral at pagiging malaya. Ngunit sa kabila ng mundo ng masasaya at may magagandang kwento ng kabataan, may mga minsang paslit palamang ay maaga ng namulat sa kahirapan. Ang tanging inspirasyon at lakas nya ay ang kanyang pamilya para magsikap.. bukod sa kahirapan na sya ring tumutulak sa kanya para mag pursige at umahon. -May-akda

Mga Tanong:
1. Ano ang pinahahalagahan ni Ella sa buhay na gusto nyang makamit?
2. Ano-ano ang kanyang mga pinagdaanan sa buhay na nkahahadlang sa
pag-abot nito?
3. Ano ang nalinang sa kanayang pagkatao dahil dito?
4. Paano nagkakaugnay ang pinahahalagahan ng tao sa kilos o gawa nya?​


Sagot :

Answer:

1.makapagtapos ng pag aaral

2.pag titinda

3.pagsisikap

4.mabuti at nakamit nya ang gusto nya