IDNStudy.com, ang iyong pangunahing mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.
Sagot :
Answer:
Nagsimula na ang bagong taon ng pag-aaral at hinaharap natin ngayon ang realidad ng distance learning sa buong bansa. Bagong pag-unawa at marami pang katanungan ang batid ng bawat araw. Ngunit sa kabila ng mga pagsubok, patuloy na nagsusumikap ang ating mga guro. Patuloy na bumabangon sa gitna ng kawalang-tiyak na dulot ng mga pagbabago para maabot ang ating mga mag-aaral.
“Ang gawain ng isang guro ay mayroon at palaging magkakaroon ng kaugnayan sa lipunan. Kahit na kailangan nating muling tukuyin ang mga gawain ng guro para maiakma sa kasalukuyang konteksto ng pandemya, ang pagsasaayos ng ito ay kinakailangan upang maibigay ang de-kalidad na eduaksyon sa mga mag-aaral kahit na may kalayuan.” sabi ni Teacher Fellow Kim De Leon (‘19) ng Malay Elementary School sa Aklan nang tanungin kung ano ang kahalagahan ng kanyang gawain bilang isang public school teacher ngayong taon.
Sa pagtahak nitong bagong landas, natututunan ng ating mga guro na matagumpayan ang mga hamon sa kanilang paligid. Natututunan nilang harapin ang mga panibagong kondisyon ng kanilang komunidad. Patuloy na tumutugon sa iba’t ibang pangangailangan ng paaralan sa kabila ng hirap o pagod dahil kumukuha sila ng lakas mula sa mga batang tinuturuan nila at sa mga miyembro ng pamayanan, kapwang guro at mga magulang, na kasapi nila sa pagtuturo.
“Hawak ko ang pag-asa na ang mga batang tinuturuan ko ngayon ay magkakaroon ng magandang kinabukasan dahil pinipili nilang magpursige. Naniniwala pa rin ako na ang pinakamabuting bagay na maibabahagi ko ay panatilihin ang pag-asam ng edukasyon sa puso ng mga mag-aaral. Higit sa lahat, kailangan nila ng wastong patnubay, suporta, at atensyon hindi lamang mula sa kanilang mga magulang o sa eskwelahan, kundi mula sa buong pamayanan.” batid ni Teacher Fellow Joyce De Luna (‘19) ng Baras Development High School sa Catanduanes tungkol sa kanyang patuloy na pagganyak para paglingkuran ang ating bayan.
Explanation:
N/A
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.