IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa malinaw na mga sagot. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.
Sagot :
Answer:
Pantay na Karapatan
Ang pantay na karapatan ay ang pagkakaroon ng pantay-pantay na karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ito ipinagkakaloob ng estado o ng pamahalaan. Pantay-pantay ang pagtingin ng estado sa bawat mamamayan at lahat ay natutugunan ang mga pangangailangan. Gayundin ang mga karapatang dapat matamasa at dapat ipagkalaoob sa bawat isa.
Halimbawa ng mga Karapatan:
Maisilang at magkaroon ng pangalan
Magkaroon ng tahanan at pamilya
Manirahan sa payapa at tahimik na lugar
Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog at aktibong katawan
Mabigyan ng sapat na edukasyon
Mapaunlad ang kakayahan
Mabigyan ng pagkakataong makapaglaro at makapaglibang
Mabigyan ng proteksyon laban sa pang-aabuso, panganib at karahasan
Maipagtanggol at matulungan ng pamahalaan
Makapagpahayag ng sariling saloobin at pananaw
Paano nalalabag ang ating mga karapatan?
Kapag nagkakaroon ng diskriminasyon.
Kapag hindi naibibigay at naipagkakaloob ang mga karapat-dapat na benepisyo para sa mga mamamayan.
Kapag hindi pantay at patas ang pagtingin sa tao, dahil minsan may mas napapaboran.
Kapag hindi natutugunan ng pamahalaan ang mga pangangailangan ng mamamayan.
Kapag hindi pantay ang pagtrato sa bawat mamamayan.
Explanation:
Sana makatulong
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.