Sumali sa IDNStudy.com at makuha ang mabilis at kaugnay na mga sagot. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.

ano ang pagkakaiba ng GDP sa GNP

Sagot :

GDP

-Ang GDP ay pinaikling "Gross Domestic Product".

-Tumutukoy ito sa market value ng mga produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang bansa sa isang durasyon o tiyak na panahon. Ang market value ay ang aktuwal na halaga ng transaksiyon ng mga mamimili sa merkado.

-Upang mas madali itong tandaan, ito ay tumutukoy sa kung saan ginawa ang produkto o serbisyo (Gawa Dito sa Pilipinas).

-Lahat ng produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng Pilipinas ay kasama sa GDP.

GNP

-Ang GNP naman ay pinaikling "Gross National Product".

-Ito rin ay tinatawag na GNI o "Gross National Income".

-Ano ang GNI? Ito ay ang kita ng mga permanenteng residente ng isang bansa sa isang durasyon o tiyak na panahon.

-Upang mas madali itong  tandaan, ito ay tumutukoy sa kung sino ang gumawa ng produkto o serbisyo (Gawa Ng mga Pilipino).

-Dahil dito, kasama sa pagtutuos ng GNP ang mga kita ng mga OFW o "Overseas Filipino Workers".