IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan para sa eksaktong at maaasahang mga sagot. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.
Sagot :
Halimbawa ng Parirala
Ang parirala ay tumutukoy sa isa o lipon ng mga salita na walang isang buong diwa. Ito ay nagsisimula sa maliit na titik at walang bantas. Narito ang ilang halimbawa ng parirala:
- ang pulang kotse
- masayang naligo
- sina Aurora at Eudora
- tunog ng radyo
- mamayang gabi
- paglubog ng araw
- kumot at unan
- sa Pasko
Pangungusap
Ang pangungusap naman ay binubuo ng mga parirala. Ito naman ang lipon o grupo ng mga salita na may isang buong diwa. Ito ay nagsisimula sa malaking titik at gumagamit ng bantas sa pagtatapos nito. Ang bantas ay maaaring tuldok, tandang pananong o tandang padamdam. Ito rin ay may simuno at panaguri.
Gawin nating pangungusap ang mga parirala sa itaas sa pamamagitan ng pagdadagdag ng simuno o panaguri. Narito ang halimbawa ng mga pangungusap:
- Ang pulang kotse ay bumangga sa puno ng mangga.
- Masayang naligo sa ulan ang mga bata.
- Magaling sa aming klase sina Aurora at Eudora.
- Hindi na maganda ang tunog ng radyo dahil luma na ito.
- Mamayang gabi magsisimula ang inaabangan kong programa sa telebisyon.
- Gusto mo bang pagmasdan ang paglubog ng araw?
- Naku! Nakalimutan kong magdala ng kumot at unan.
- Uuwi ba sina Lolo at Lola sa Pasko?
Karagdagang halimbawa ng parirala:
https://brainly.ph/question/753594
#LearnWithBrainly
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.