Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Magtanong at makatanggap ng maaasahang sagot mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

ano ang kahulugan ng alegorya ng yungib


Sagot :

Answer:

ANO ANG KAHULUGAN NG ALEGORYA NG YUNGIB

Walang Alam “. Ito ang mangyayari sa isang tao kung mananatili lamang siyang walang edukasyon at hindi nakikipag interaksyon sa kapaligiran.Kung kaya’t  bilang isang  tao kailangan nating matutong tumanggap ng pagbabago upang maiwasn ang pagiging walang alam . Dapat ding  buksan ang ating mga mata sa tunay na realidad ng buhay at wag tayong mananatiling walang alam.

MGA MATALINGHAGANG SALITA NA MATATAGPUAN SA ALEGORYA NG YUNGIB

• Yungib

• Ang kanilang binti at leeg ay nakakadena kung kaya’t di sila makagalaw

• Anino

• Liwanag

• kapag lumabas na ang tao sa yungib o mundo ng walang alam makakaramdam siya ng matinding sakit

• Bilanggo

• Matarik at bako bakong daan

• Pagkatapos, tititig siya sa liwanag ng buwan at mga bituin, at sa maningning na kalangitan; at kaniyang makikita ang ulap at mga bituin sa gabi nang mas maningning kaysa liwanag  ng araw na hatid ng umaga.-

• Makikita niya ang kanyang repleksyon sa tubig

• Bilangguan

MGA SIMBULO SA SANAYSAY AT ANG KAHULUGAN NITO

1. Yungib –Ang kahulugan nito ay mundo  na madilim ng isang tao. Ibig sabihin ang  tao ay likas na walang alam magmula ng siya ay  pinanganak at matututo lamang siya kapag siya ay naturuan at kanyang maobserbahan ang mga bagay bagay sa mundo na nakapaligid sa kanya.

2. Ang kanilang binti at leeg ay nakakadena kung kaya’t di sila makagalaw- Ang ibig sabihin nito ay dapat maging bukas tayo sa panibagong kaalaman at wag lamang mananatili sa kung anong kultura lamang an gating nakagisnan. Kapag tayo ay hindi bukas na tumanggap ng mga bagong kaalaman na nanggagaling sa ibang kultura mananatili tayong nakakadena kung ano lamang an gating nalalaman.

3. Anino-   Ang anino ay ang kamalayan ng isang tao at sumasalamin ito ng  kanyang pagka tao.  Mula pagkabata ay may sarili ng kaisipan ang tao at dapat niya itong gamitin upang umunlad sapagkat kung siya ay walang alam tanging ang sarili lamang niya ang  kanyang makikita.

4. Liwanag- Ito ay ang mga kaalaman na maaring matutunan ng tao kapag siya ay handing tanggapin ang mga pagbabago at harapin ang realidad sa buhay.  

5. kapag lumabas na ang tao sa yungib o mundo ng walang alam makakaramdam siya ng matinding sakit. Ibig sabihin pag handa na niyang yakapin ang mundo ng kaalaman hindi niya maiiwasan na makakatagpo  ng mga mapaghusgang mga tao at mapaglinlang na mundo dahil sa kakulangan niyang umunawa sa mga nangyayari. Ngunit masakit din para sa kanya ang iwan ang mga dati nya nang nakagawian.

6. Bilanggo-  Ang tao ay magiging bilanggo lamang kung siya ay hindi kumopkop sa mga makabagong karunungan at ayaw tanggapin ang mga katutuhanang mas maliwanag pa kesa sa kanyang nakikita sa kasalukuyan.

7. Matarik at bako bakong daan-  Kapa gang tao ay yayakap na sa kaalaman, hindi ito madali para sa kanya na abutin ito. Ibig sabihin marami pa siyang mga pagsubok na kakaharapin bago niya makamtan ang kaalaman.

8. Pagkatapos, tititig siya sa liwanag ng buwan at mga bituin, at sa maningning na kalangitan; at kaniyang makikita ang ulap at mga bituin sa gabi nang mas maningning kaysa liwanag  ng araw na hatid ng umaga.- At kapag nakamtan na ng tao ang liwanag mas masarap na lasapin ang katalinuhan.

9. Makikita niya ang kanyang repleksyon sa tubig-  Magkakaroon na ng realisasyon ang isang tao kung ano talaga siya noon at sa kasalukuyan kung lubos na niyang niyakap ang pagbabago at kaalaman. Mapapagnilay nilayan nya na sa kanyang sarili kung ano ang kanyang layunin sa lipunan na makakatulong upang  magkaroon siya ng sariling pananaw at malalim na pag unawa sa kultura at kaugalian ng tao sa lipunan

10. Bilangguan- Ito ay ang mundo ng paningin.    Matatagpuan lamang ang mga bagay na maganda at tama kapag kumilos ang tao sa tama. Kahit siya ay magaling ngunit nananatili siya sa maling gawain, mananatili padin siyang bulag  .

Para sa karagdagang impormasyon buksan ang link sa ibaba

brainly.ph/question/131117

brainly.ph/question/132054

brainly.ph/question/135998