Madaming Klima sa Asya, ito ay ang mga sumusunod:Sentral Kontinental- Mahabang taglamig at maigsing tag-init. May ilang lugar sa Sentral Kontinental ang nagtataglay ng matabang na lupa. Subalit, malaking bahagi ng rehiyon ay hindi rin kayang panirahan ng tao dahil sa sobrang lamig.Kanlurang Asya- Sa lugar na ito ay hindi palagaian ang klima, di maaring magkaroon ng labis o di kaya'y katamtamang init o lamig lamang.Timog Asya- Mayroong iba-ibang klima sa loob ng isang taon. Mahalumigmig, tag-init at tagtuyot. Nananatilli ding malamig dahil sa niyebe o yelo ang himalayas at ibang bahagi ng rehiyon.Silangang Asya- Ito ay mas kilalang Monsoon Climate. Ito ang uri ng Klima ng rehiyon. Dahil ang rehiyong ito ay malawak, ang mga bansa dito ay nakakaranas ng iba't ibang uri ng panahon.