Magtanong at makakuha ng maliwanag na mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.

Ano Ang Kahulugan Ng teoryang Yo-he-ho

Sagot :

Ang Teoryang Yo-He-Ho ay tungkol sa tunog na nalilikha gamit ang pwersang pisikal kung saan natuto ang mga tao na magsalita dahil sa nakalilika sila ng tunog kapag gumagamit sila ng pwersa o lakas. Ayon sa teoryang ito, ang pagsasalita ng tao ay bunga ng pwersang pangkatawan. Halimbawa nito ay ang tunog na nalilikha kapag sumipa o sumuntok ang tao at kapag nagbubuhat ng mabibigat na bagay. Ang mga halimbawa ng tunog na ito ay bog, yaa!!, pak!, hey, hoo, at iba pa. Ayon din dito, ang pagsasalita o tunog na mula sa bibig ay nangangailangan ng kasabay na aksyon.