Makakuha ng mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

ano ang kahulugan ng equator

Sagot :

Ang salitang “equator” ay salitang Ingles na kilala bilang ekwador sa Wikang Filipino. Ang ekwador ay isa sa mga guhit na matatagpuan sa globo. Ang kahulugan ng ekwador ay ito ay isang imahinaryong guhit na pahalang na naghahati ng globo sa gitna. Hinahati ng ekwador ang globo sa dalawang bahagi: ang Hilagang Hemispero at ang Timog Hemispero o Hatingglobo.

Narito ang iba pang detalye tungkol sa ekwador.

Kahulugan at Mga Katangian ng Ekwador

  • Ang ekwador ay isang imahinaryo o kathang isip na guhit sa globo.
  • Ito ay pahalang na guhit. Ito ang pinakamahabang pahalang na guhit sa globo.
  • Ang ekwador ay matatagpuan sa 0° na panuntunan.
  • Ang ekwador ay ang bahagi ng mundo na pinakamalapit sa araw. Dahil dito, mainit sa parteng ito ng mundo.
  • Narito ang iba pang kahulugan ng ekwador: https://brainly.ph/question/194794 at https://brainly.ph/question/119739

Kahalagahan ng Ekwador

  • Ang ekwador ay mahalaga dahil ito ay ginagawang batayan para sa nabigasyon at heograpiya.
  • Ito rin ay tumutulong sa pag-aaral ng klima. Tumutulong ito sa pagtukoy ng panahon kaugnay ng lapit o layo ng araw sa mundo.
  • Narito ang iba pang detalye tungkol sa dahilan kung bakit mahalaga ang ekwador: https://brainly.ph/question/641297

Mga Bansa sa Ekwador

Mayroong 13 bansa na dinadaanan ng Ekwador. Ito ay ang mga sumusunod:

  1. Brazil
  2. Colombia
  3. Ecuador
  4. Gabon
  5. Indonesia
  6. Kenya
  7. Kiribati
  8. Maldives
  9. Republika ng Congo
  10. Demokratikong Republika ng Congo
  11. Sao Tome & Principe
  12. Somalia
  13. Uganda

Klima sa Ekwador

  • Ang klima sa ekwador ay may espesyal na pangalan. Ito ay tinatawag na “equatorial climate”.
  • Dalawang beses sa isang taon, dumaraan nang direkta ang araw sa tapat ng ekwador. Sa natitirang bahagi ng taon, ang mga rehiyon sa ekwador ay nakakaranas ng mainit na klima na may kakaunting pagbabago sa panahon.
  • Tinatawag na “humid weather” ang klima sa mga rehiyon sa ekwador. Kahit na sila ay ang mga lugar na pinakamalapit sa araw, hindi sila ang pinakamainit na lugar sa mundo. Ito ay dahil sa prisensya ng tubig sa hangin sa ekwador na nakakapagpa-presko rito nang kaunti.

Iyan ang mga detalye tungkol sa kahulugan ng equator o ekwador sa Wikang Filipino.