IDNStudy.com, ang perpektong platform para magtanong at makakuha ng maaasahang mga sagot. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

manaliksik SA kilalang entrepreneur sa internet.almin ano ang nagawa sa nternet. 1.Mark Zuckerbeng
2. larry page
3.Sergey Brin
4. Chad hurley
5.jowed karim
6. steve chen


Sagot :

Si Mark Zuckerberg ay isang Amerikanong computer programmaer at mangangalakal sa internet. Kilala siya bilang isa sa gumawa o nagpasimuno ng sikat na social networking site na Facebook.Siya rin ang kasalukuyang chief executive officer ng nasabing site.

Si Larry Page ay isang Amerikanong computer scientist at mangangalakal din sa internet na kabilang sa mga nagpasimula ng Google, Inc at ang kasalukuyang CEO ng kompanya. Siya rin ang nakaimbento ng PageRank ng Google.

Si Sergey Brin ay isa ring Amerikanong computer scientist at mangangalakal sa internet na kasama ni Larry Page sa pagbuo ng Google, Inc, ang isa sa mga pinakamalaking kompanya ng internet.

Si Chad Hurley ay isang Amerikano at dating Chief Executive Officer ng sikat na video sharing website na YouTube at MixBit.

Si Jowed Karim naman ay isang German-American na mangangalakal sa internet.Siya ang kauna-unahang tao na nag-upload ng video sa YouTube at isa rin siya sa mga nagpasimuno ng nasabing site.

Si Steve Chen naman ay ipinanganak sa Taiwan at nakilala bilang isa sa mga nagpasimula at dating Chief Technology Officer ng YouTube.