IDNStudy.com, kung saan ang kuryusidad ay nagtatagpo ng kalinawan. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Ang kultura ng mga Pilipino na masasalamin sa "Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan" ay ang matinding paniniwala sa mga Diyos at sa mga ritwal.
Pati na rin ang pagiging matapang ng mga Pilipino na harapin ang anumang problemang kakaharapin.
Explanation:
Matinding paniniwala sa mga Diyos at paniniwala sa mga ritwal na maaaring magbigay ng magandang buhay, magbigay ng solusyon sa kinahaharap na problema, at maibigay ang hiling o nais. Isama na rin ang likas na tapang ng mga Pilipino.
Epiko
Ang "Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan" ay nagmula sa mga Ifugao.
Ang epiko ay:
- tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan
- ang pangunahing tauhan ay nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya ay buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa
- mga paksa na patungkol sa mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at pakikidigma
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa epiko, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/369141
Mga Tauhan sa epikong Wigan at Bugan:
- Wigan
- Bugan
- Mga Diyos: Ngilin, Bumabbaker, Bolang, at ang Diyos ng mga hayop)
- Igat
- Buwaya
- Pating
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa mga tauhan sa epikong "Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan", maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/149459
Kultura
Ang Kultura ay:
- binubuo ng mga katutubo/katangi-tanging kaugalian, paniniwala, at mga batas
- mabisang kasangkapan sa pagkakaisa ng isang bansa
- ating pagkakakilanlan, kaisahan, at kamalayan
Nailalarawan ng ating mga kaalamang-bayan gaya ng mga alamat, kuwentong-bayan, pabula, at epiko, ang ating mabubuting gawi, kaugalian, at kinamihasang Pilipino.
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa kultura, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/2052050
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang kasama para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin kami palagi.