Ang palaisipan ay isang uri ng suliranin o bugtong na sinusubok ang kakayahang mental ng tao na lumulutas nito. Karaniwan dito'y pinagsama-samang mga piraso sa isang lohikal na paraan para mabuo ang solusyon. Kadalasang nililikha ang mga ito bilang uri ng libangan ngunit maaari rin namang magmula ito sa isang lohistikal o di naman kaya'y matematikal na suliranin. Ang kubo ni Rubik at palaisipang krosword ay ilan lamang sa mga halimbawa ng palaisipan.