Makahanap ng mga solusyon sa iyong mga problema gamit ang IDNStudy.com. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Paghahambing na Di-Magkatulad kung nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait, pagtanggi o pagsalungat sa pinatutunayang pangungusap.
May dalawang uri ang hambingang di magkatulad:
1. Hambingang Pasahol - May mahigit na katangian ang pinaghahambingan sa bagay na inihahambing. Ginagamit ang mga sumusunod upang maipakita ang ganitong uri ng paghahambing.
Lalo - nangangahulugan ng pagdaragdag o pagpapahigit sa kulang na katangian. Sinusundan ito ng katuwang na panghambing na kaysa kay kung ngalang tao ang pinaghahambing, /kaysa /kaysa sa kung ngalang bagay / pangyayari.
Di-gasino - tulad ng ginagamit sa paghahambing ng uri o katangian ng mga tao. Sinusundan ito ng alinman sa mga katagang naghahambing, kabilang ang gaya, tulad, para o paris na sinusundan ng panandang ni.
Di-gaano - tulad ng tulad din ng di-gasino subalit sa mga hambingang bagay lamang ginagamit.
Di-totoo -nangangahulugan ng pagtawad o pagbabawas sa karaniwang url. Nagagamit itong pamalit sa di-gasino at di-gaano.
2. Hambingang Palamang - may mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambingan. Naipakikita ito sa tulong ng sumusunod:
Lalo - Ang diwa ng paghahambing ay magiging kalamangan at di kasahulan kung ang sinasamahang pang-uri ay nagpapahayag ng kalakhan, kataasan, kalabisan o kahigtan. Muli, katuwang nito ang kaysa/kaysa sa/kay. Halimbawa: Lalong maunlad ang isa kaysa sa isa.
Higit/mas...kaysa/kaysa sa/kay - sa sarili ay nagsasaad ng kalamangan kung ginagamit ito sa paghahambing.
Halimbawa: Higit na malinis ang isa sa isa.
Labis -tulad din ng higit o mas
Halimbawa : Labis ang kanilang pagmamahal sa bayan.
Di-hamak -kung ginagamit ay karaniwang isinusunod sa pang-uri
Halimbawa: Di-hamak na mapuputi ang Singaporean sa nga Hindu.
3. Modernisasyon/katamtaman - Naipakikita ito sa pag-uulit ng pang-uring may panlaping ma-, sa paggamit ng salitang medyo na sinusundan ng pang-uri, sa paggamit ng katagang may na sinusundan ng pang-uring nabuo sa pamamagitan ng mga panlaping kabilaang ka-han.
Maraming salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.