IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga eksperto at kuryusidad. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.
Sagot :
Halimbawa ng sanaysay tungkol sa ipinagbabawal ni inay at itay:
Si inay at itay sila ang dalawang tao na mula palang sa pagsilang mo sa mundong ibabaw ay sila na ang gumagabay at nag-aalaga sa iyo,dalawang taong tunay na nag mamahal sayo ng wagas,mga taong walang hinangad kung di ang iyong kaligayahan at kung ano ang mas makabubuti sa iyo. Kaya nga para makasiguro sila na hindi ka mapapahamak ay marami silang mga alituntunin na gusto nila ay sundin mo. Mga simpleng bagay lang naman kung minsan pero nahihirapan kang sundin katulad nalang ng. Bawal ng lumabas kung gabi dahil baka ikaw ay mapahamak. Bawal magbabad sa paggamit ng gudget dahil masama sa kalusugan mo, Mag paalam kung sasama sa mga kaibigan o kaklase upang hindi mag alala ang mga magulang. Huwag munang mag makipag relasyon tapusin muna ang pag-aaral. Ilang lamang iyan sa mga ipinag-uutos ng ating mga magulang pero kung minsan ikinasasama pa ng ating kalooban dahil akala natin ay masyado tayong pinag hihigpitan sa ating mga gustong gawin. Pero alalahanin natin na sila ay mga magulang natin oo nga na kung minsan ay napapahigpit din sila pero sila ang nakakaalam kung ano ang tama at mali para sa atin silang mga magulang ang marami ng karanasan kaya may mga bagay na ayaw nilang maranasan mo pag dating ng araw dahil silang mga magulang ang unang masasaktan kapag nakita nilang ang kanilang mga anak ay napahamak. Ang paghihigpit ng mga magulang sa mga anak ay isang paraan din ng pagpapakita nila ng pag mamahal dahil may pakialam sila sa iyo ayaw ka nilang maligaw ng landas.At bilang anak paraan din ng pagpapakita ng pag mamahal sa kanilang mga magulang ang pasunod sa kanilang mga ipinag-uutos.
Ano ng aba ang sanaysay?
Ang sanaysay ay isang sitematikong paraan upang maipaliwanag ang isang bagay o pangyayari ito ay may iisang diwa at pananaw. Tinagurian din itong isang piraso ng sulatin na kadalasan na ang nilalaman ay pananaw ng mga akda, na mayroong pagpuna,opinyon at impormasyon at mga obserbasyon ,kuru-kuro.
Dalawang uri ng sanaysay:
- Pormal- ito ang uri ng sanaysay na nangangailangan ng masusing pag aaral sapagkat ito ay tumatalakay sa mga seryosong paksa. Ito ay naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon at nasa anyo ng mabisang pagkaka ayos upang mas lubos na maunawaan ng mangbabasa.
- Di-pormal- ito naman ang uri ng sanaysay na ang tinatalakay ay mga paksang magaan,at karaniwan lamang, ito ay naglalaman ng mga nasasaloob at kaisipan ng sa mga ibat-ibang bagay,pangyayari na karaniwang nararanasan ng may akda,
Mga bahagi ng Sanaysay:
- Panimula
- Katawan
- Wakas
Panimula- ito ay itinuturing na pinakamahalagang bahagi ng sanaysay na dapat ay nakakapukaw sa atensyon ng isang mambabasa dahil ito ang unang tinitingnan ng isang mambabasa,kung kaayaaya bang basahin o hindi ang isang sanaysay.
Katawan- dito makikita ang mga mahahalagang pangyayari at puntos ng isang sanaysay tungkol sa nilalaman nito.Dito ay dapat na ipaliwanag ng mahusay ng may akda ang mga puntos upang ito ay mas lubos na maunawaan ng mga mambabasa.
Wakas- ito ang ang pagtatapos ng isang sanaysay na kung saan dapat ay kapupulutan ng aral. Itinuturing din itong pagsasara ng talakayan na nangyari sa katawan ng isang sanaysay.
Mga sangkap ng Sanaysay
- Tema at nilalaman
- Anyo at istruktura
- Wika at istilo
- Kaisipan
- Larawan ng buhay.
Buksan para sa karagdagang kaalaman tungkol sa sanaysay
https://brainly.ph/question/138575
https://brainly.ph/question/182484
https://brainly.ph/question/2104311
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.