IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto at komunidad. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

anu ano ang mga siyentipikong pamamaraan sa pag aaral sa ekonimiks

 



Sagot :

1.  Problem Statement - paglalahad ng katanungan - ito ang paglilinaw at pagtatakda ng katanungang nais sagutin. Nailalahad nito ang isyu o suliranin na nais sagutin. 

2. Hypothesis setting - pagbuo ng hinuha - PAgbuo ng hinuha o pangunahing  paniniwala sa sagot sa katanungan. Ito rin ang pagtukoy ng mga elemento ng pagaaral (variables) na iuugnay sa isa'-isa upang masagot ang katanungan. Naipopokus ang kasusunod na hakbang, nasusubok ang ugnayan ng mga tampok o piling elemento ng pag-aaral.

3. Empirical Testing - aktwal na pagpapatunay o pagsubok - Pagkalap ng mga impormasyon na maguugnay sa elemento (mula sa eksperimentasyon, pagsasaliksik sa silid-aklatan, o pag-punta sa iba't-ibang institusyon). Pagtatala at pagsasaayos ng mga nakalap na impormasyon. Paglalahad ng mga obserbasyon mula sa nakalap na impormasyon. Napipino ang mga impormasyong sandigan ng pagbuo ng mataas na kalidad ng kaalaman. Nabubuo ang mga datos (facts) na maglilinaw sa ugnayan na pinag-aaralang mga elemento. Nasususri ang ugnayan ng mga elementong pinag-aaralan.

4. Laying down conclusion - pagsagot sa katanungan - Pormal na pagtakda ng ugnayan ng mga pinagaaralang elemento at pagpapaliwanag. Napatotohanan o napapasinungalingan ang hinuha. Nakabubuo ng kaalaman hinggil sa pinagaralang suliranin.