Oo , dahil ang Pilipinas ay mayroong iba't-ibang uri o anyo ng lupa na mapagkukuhanan ng mga mineral , produkto at benepisyo. Tulad na lamang ng mga bundok na mayroong mga punong maaaring mapagkuhanan ng mga punong o kahoy na ginagamit sa paggawa ng mga upuan , mesa at bahay. Mayroon ding kapatagan na maaring pagtamnan ng mga palay at iba pa , para sa ating makakain. Ang Pilipinas din ay mayroong iba't-ibang uri ng anyong tubig . At mula rito maari tayong magkaroon ng hanapbuhay at pagkukunan ng suplay ng pagkain at iba pa.