Suriin ang IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang paksa. Ang aming komunidad ay narito upang magbigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan.
Pahambing na magkatulad:
1. Magkasinghaba ang buhok nina Kia at Maria.
2. Kasimbait ni Paulo si Lucas.
3. Magkasingtangkad ang puno ng Narra at puno ng Mangga.
4. Magkamukha kami ni Inay.
5. Parehong mabango ang rosas at sampaguita.
Pahambing na di-magkatulad
1. Mas malambing ako kaysa kay kuya.
2. Di-hamak na malamig ang klima sa Antarctica kaysa sa Japan.
3. Di-gaanong malinis ang silid ni Ben kumpara sa silid ni Lex.
4. Higit na mataas ang puno ng buko kaysa sa puno ng saging.
5. Di-masyadong makapal ang libro ko kumpara sa libro niya.