Answered

IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga maaasahang sagot. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

ano ang ibig sabihin ng antarctica,gubat,pacific ocean,lahing australean,globo,bundok,bagyo,compass,at tropikal?

Sagot :

Talasalitaan:  

  • antarctica  
  • gubat  
  • pacific ocean  
  • lahing australean  
  • globo  
  • bundok  
  • bagyo  
  • compass  
  • tropikal  

Ang antarctica ay ang ikalima sa pinakamalaking kontinente sa mundo. Ito ay ang kontinenteng nababalot ng yelo kaya naman ipinapalagay na ito ang pinakamalamig na lugar sa buong daigdig. Ito ay itinuturing na isang mahalagang salik sa malaking pagbabago ng klima ng buong mundo.

Ang gubat ay isang uri ng anyong lupa na karaniwang tinitirhan ng mga hayop na hindi maaaring alagaan o yaong mga mababangis tulad ng oso, leon, tigre, ahas, at iba pa. Dito rin matatagpuan ang mga matataas na punungkahoy tulad ng molave at pino na nagsisilbing tirahan ng mga ibon. Ang mga punong ito ang pangunahing pinagmumulan ng mga kahoy at table na ginagamit sa pagbuo ng mga bahay.

Ang Pacific Ocean ay ang pinakamalaking karagatan sa buong mundo. Ang kahulugan nito ay nagmula sa salitang Latin na mare pacificum na ang ibig sabihin ay payapang dagat. Ang kahulugang ito ay pinagkaloob ng manlalakbay na si Ferdinand Magellan ng Portugal. Ito ay makaraang mapansin niya na kalmado ang tubig nito at naging payapa ang kanilang paglalakbay.

Ang lahing Australian ay nagmula sa mga Aborigine, salitang Latin na ang ibig sabihin ay mula sa pasimula. Maraming mga eksperto ang nagsasabi na ang mga Aborigine ay nagmula sa Asya. Marahil ay nang matapos nila ang huling bahagi ng kanilang paglalakbay sa balsa o bangka ay dumaong sila sa hilagang baybayin ng Australia.

Ang globo ay ang hugis bilog na modelo ng mundo. Dito makikita ang kabuuang larawan ng lokasyon ng bawat bansa, mga karagatan, at mga kontinente.

Mga Bahagi ng Globo:

  • Ekwador  
  • Latitud  
  • Longhitud  
  • Punong Meridyano  
  • Internasyunal na Guhit ng Petsa (International Date Line) –  
  • Grid o Parilya  
  • Hilagang Hating Globo  
  • Timog Hating Globo  

Ang ekwador ang humahati sa globo sa dalawang pantay na  bahagi na tinatawag na hilaga at timog hatingglobo. Ito ay makikita sa 0° ng globo. Ito ang tinuturing na pinakamahaba sa lahat ng latitud. Ito rin ang bahaging pinakamalapit sa araw kung kaya mainit sa bahaging ito ng daigdig.

Ang latitud ay ang mga guhit na paikot sa globo na kahanay ng ekwador. Ang mga guhit na ito ay mula sa kanluran papuntang silangan. Ginagamit din ito sa pagsukat ng layo ng isang lugar, pahilaga at patimog mula sa ekwador.

Ang longhitud ay ang mga patayong guhit na naguugnay sa pulong hilaga at pulong timog. Kahanay ito ng prime meridian at gingamit sa pagsukat ng layo ng isang lugar pasilangan at pakanluran.

Ang prime meridian ay matatagpuan sa 0° ng globo. Tinatawag din itong Greenwich dahil dumadaan ito sa Greenwich, Inglatera.

Ang international date line ay matatagpuan sa 180° ng globo. Sa bahaging ito nangyayari ang pagpapalit ng oras at petsa.

Ang mga grid ay nabubuo kapag pinagsama sama o nagtagpu - tagpo ang mga guhit latitud at longhitud.

Ang hilagang hating globo ay ang itaas na bahagi ng ekwador.

Ang timog hating globo ay ang ibabang bahagi ng ekwador.

Ang bundok ay isang uri ng anyong lupa na mas mataas kumpara sa burol. Ang mga bundok ay may malaking bahaging ginagampanan sa klima at ulan sapagkat sinasahod ng mga ito ang tubig at pinadadaloy pababa sa mga ilog o iniipon iyon sa mga imbakan ng tubig sa ilalim ng lupa at ang mga ito naman ang naglalaan ng tubig sa mga bukal na nasa mga libis sa ibaba.

Ang bagyo o tropical cyclone ay isang malakas na low -pressure area. Ang dala nitong hangin ay may bilis na 35 km kada oras. Kadalasang may dala itong malakas na hangin at patuloy na pag – ulan na karaniwang nagdudulot ng mga pagbaha, na nagiging sanhi naman ng alon, baha, pagguho ng lupa, at pagragasa ng putik.

Mga Uri ng Bagyo:

  • Tropical depression (35 kph - 63 kph)
  • Tropical storm (64 kph - 117 kph)
  • Typhoon (higit sa 118 kph)
  • Supertyphoon (higit sa 220 kph pataas)

Ang aguhon o compass ay isang kagamitang ginagamit upang tukuyin ang direksiyon o patutunguhan sa tuwing maglalakbay sa mga karagatan, disyerto, at iba pang mga pook na may kakaunting mga palatandaan. Binubuo ito ng isang magnetikong tagapagturo o aguha, isang umiikot o gumagalaw na karayom na karaniwang nakatanda para sa Hilaga - o sa Magnetikong Hilagang Polo.

Ang tropikal ay uri ng klima na nararanasan ng mga bansang nasa pagitan ng tropikong cancer at tropikong capricorn. Ito ay nahahati sa dalawang panahon: tag – araw at tag – ulan. Ang Pilipinas ay isa lamang sa mga bansang may klimang tropikal.

Upang lubos na maunawaan ang mga talasalitaang ito, basahin ang mga sumusunod na links:

https://brainly.ph/question/133204

https://brainly.ph/question/127000

https://brainly.ph/question/315245