Magtanong at makakuha ng mga sagot ng eksperto sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

Bakit NASA ilalim ng lupa ang ginto

Sagot :

Ayon sa Alamat na pinamagatang " Kung bakit nasa ilalim ng lupa ang ginto",  noong unang panahon , ang mga tao sa kabundukan ay biniyayaan ni Bathala ng isang punong namumunga ng ginto , ngunit sinuway ng mga katutubo ang utos niya na huwag ito kailanmang puputulin , ngunit dahil sa hindi nakuntento ang mga taong ito , ito ay pinutol nila sa paniniwalang nasa loob ng katawan ng puno ang marami pang ginto.. Ngunit ng pinutol nila ang kahoy , nagalit si Bathala at ito ay binawi niya sakanila , sinabi niya na " ang gintong dapat sana'y mapasainyo ay mananatiling nasa ilalim ng lupa . Hindi ninyo makikita iyon hangga't hindi niyo pinaghihirapang kunin." Kaya hanggang ngayon , ang mga ginto ay pinaghihirapang kunin sa ilalim ng lupa ng mga minero .