Sumali sa IDNStudy.com at simulang makuha ang maaasahang mga sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.
Sagot :
Pangunahin at Pangalawang Direksyon
Ang pangunahing direksyon ay tinatawag ding cardinal na direksyon. Ito ay binubuo ng hilaga, silangan, kanluran, at timog. Ang pangalawang direksyon ay ang pinagsamang pangunahing direksyon. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng dalawang pangunahing direksyon. Kapwa ginagamit ang mga ito sa pagtukoy ng lokasyon ng mga bansa sa globo o mapa.
Pangunahing Direksyon:
- hilaga
- silangan
- kanluran
- timog
Ang hilaga ay matatagpuan sa itaas na bahagi ng mapa o globo.
Ang silangan ay makikita sa gawing kanan ng mapa o globo. Dito sumisikat ang araw.
Ang kanluran ang nasa gawing kaliwa ng mapa o globo. Dito naman lumulubog ang araw.
Ang timog ang matatagpuan sa ibabang bahagi ng mapa o globo.
Pangalawang Direksyon:
- hilagang silangan
- hilagang kanluran
- timog silangan
- timog kanluran
Ang hilagang silangan ay makikita sa pagitan ng hilaga at silangan.
Ang hilagang kanluran ay makikita sa pagitan ng hilaga at kanluran.
Ang timog silangan ay makikita sa gawing ibaba sa pagitan ng timog at silangan.
Ang timog kanluran ay makikita sa gawing ibaba sa pagitan ng timog at kanluran.
Ano ang pangunahin at pangalawang direksyon: https://brainly.ph/question/6881718
#LearnWithBrainly
Maraming salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.