Makakuha ng kaugnay na sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.

ANo ang paksa ng sanaysay sa ang alegorya ng yungib

Sagot :

Alegorya ng Yungib

Ang Alegorya ng Yungib ay isang kwento kung saan ang mga tauhan, tagpuan at kilos ay nagpapakahulugan ng higit pa sa literal nitong kahulugan. Tayong mga tao sa mundo ay kagaya ng isang tao na nasa loob ng isang yungib o kuweba habang naka-tanikala at nakaharap sa dingding.

Si Plato na isang iskolar, pilosopo at awtor ang may-akda ng Alegorya ng Yungib. At pagkatapos ay may apoy sa ating likuran at ang tanging nakikita lamang natin ay ang mga anino ng mga bagay sa labas ng kuweba. Ito ang magiging dahilan ng pangangailanganing humulagpos sa tanikala at lumabas ng kuweba para lang makita ang katotohanan tungkol sa mga bagay-bagay.

Sa katunayan, ang mga larawang itong ibinuod ng rasyonalismo ni Plato kaya ito ay tinagurian niyang “Alegorya ng Yungib” Ayon pa kay Plato , ang totoong pag-iral ay nasa ‘Mundo ng mga Ideya.’ Malawak ang kaniyang pananaw, kadalasan na hindi ito naaayon sa kung ano ang inaasahan at tinatanggap ng karamihan. Matagal pa bago ito nagiging praktikal sa karunungan ng tao. Kaya naman napakaimpluwensya niya sa lipunan ngayon.

Ang Kapanganakan

At ang mga konsepto ng mga bagay-bagay ay naroroon na sa isipan na natin mula kapanganakan. Kakailanganin lang gamitin ang ating pangangatwiran o pagka-rasyonal para sila ay matuklasan. Taliwas man sa mga turo ni Aristotle, si Plato ay nagbukas pinto sa pagtahak sa mundo ng rasyunalismo ang pagtingin lampas sa realidad na ating nakikita.

Ang ganitong mga alegorya ay maaaring magpahayag ng:

  1. ideyang abstract
  2. mabubuting kaugalian
  3. tauhan
  4. pangyayaring makasaysayan
  5. panrelihiyon
  6. panlipunan

Para sa kaalaman ng lahat, ang alegorya ay dapat binabasa sa dalawang pamamamaraan. Ito ay ang literal at simboliko o masagisag.

Ang alegorya ay naisulat o nilikha para magturo ng mabuting asal sa mga tao o magbigay ito ng mga komento tungkol sa kabutihan o kasamaan. Ang paksa ng sanaysay na Alegorya ng Yungib ay nagpaliwanag na mayroong pagkakaugnay ng kapaligiran sa karunungang tinataglay ng mga tao at ano ang pagkakaiba nito sa sariling kaisipan.

Ang Aral

Tinawag na bilanggo ni Plato ang mga tauhan dahil di sila pinahihintulutang gumalaw maging ang kanilang ulo at ang mga binti at leeg nila'y nakakatanikala. May mga bagay din na dapat lamang dalhin sa paraang dapat lamang makita ang anino.

  • Sa kwento, ang mahalagang natutunan ng bilanggo mula sa pagtingin sa liwanag ay harapin ang masakit na katotohanan ng realidad.
  • Natutuhan nitong bilanggo na tumuklas ng mga bago sa kanyang paningin.
  • Naging uhaw siya sa kaalaman nang lumabas ang bilanggo sa Yungib at dapat di agad naniniwala sa mga nakikita ng ating mata dahil ang laging mas maganda ay ang alamin muna ang katotohanan at huwag matatakot sa ano mangyayari sa resulta o paglabas.

Karagdagang Impormasyon

Para sa buod ng alegorya ng yungib, basahin ito sa link na ito: brainly.ph/question/142217.

Kung ang tinutukoy na mga tao sa yungib ay sangkatauhan bakit sila tinawag na mga bilanggo ni plato? - brainly.ph/question/145192.

Tingnan ang ibang kasagutan sa link na ito: Ano ang paksa ng sanaysay ni plato na ang alegorya ng yungib - brainly.ph/question/132130.