IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa mga sagot ng komunidad at eksperto. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.

paraan para mapamahalaan ang kakapusan

Sagot :

Kakapusan:

        Ang kakapusan ay tumutukoy sa kalagayan kung saan ang pinagkukunang - yaman ay hindi sapat upang tugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao sapagkat ang pangangailangan ng tao ay walang hanggan at ang tao ay walang kakuntentuhan.  

Mga Paraan Upang Mapamahalaan ang Kakapusan:

  1. Alamin ang pangunahing pinagkukunan ng yaman.
  2. Pag - isipang mabuti kung ano ang mga produkto at serbisyo na gagawin at gaano ito karami.
  3. Alamin ang pagkakaiba sa pagitan ng pangangailangan at kagustuhan.
  4. Unahin ang pangangailangan.
  5. Sa paggawa ng mga produktong tutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan, kinakailangan na pag - aralang mabuti kung paanong ang mga produktong ito ay makakarating ng mabilis sa mga kinauukulan.
  6. Magkaroon ng matalinong pagpaplano para sa alokasyon. Ang mga pamilihan ay gawing makabuluhan.
  7. Palawakin ang paggamit ng mga pinagkukunang - yaman sa pamamagitan ng pamumuhunan, paggamit ng makabagong teknolohiya, at epektibo, maayos, at matalinong paggamit.
  8. Iwasan ang pag aaksaya o pagwawaldas sa pamamagitan ng pag - iwas sa paggawa ng mga produktong hindi napapanahon o hindi gaanong kailangan.
  9. Iwasan ang pagtatago ng supply o "hoarding" upang hindi lumala ang kakapusan at pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
  10. Unawaing mabuti ang kahalagahan ng "trade off" at "opportunity cost".

Upang lubos na maunawaan ang konsepto ng kakapusan, basahin ang mga sumusunod na links:

https://brainly.ph/question/156400

https://brainly.ph/question/1478305

https://brainly.ph/question/581565