Ang salawikain,
sawikain at kasabihan ay napakalaking bahagi ng kasaysayan at kultura sa lahat
ng bansa sa mundo. Ito ang mga panitikang sumasalamin sa magkapareho at
magkasalungat na paniniwala ng iba't ibang bansa. Sa mga panitikang ito
naipapahayag ang mga saloobin ng mga mamamayan ng mas malaya at hindi nila
kailangang magpaliwanag sa kahit sino. Ito ang paraang ginagamit upang maturuan o maiparating sa mga tao ang mga kabutihang asal at gawin sa makulay at masining na paraan - sa pagkukuwento.