Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Mga Halimbawa ng Pahambing na Magkatulad (pangungusap):
- Magkasingganda sila Cassandra at Chloe.
- Magkaparehas ang kanilang mga kuwintas.
- Kasimputi ng perlas ang mga puting damit ni Lito.
- Gamundo ang pagpapahalaga ng mga nanay sa kanilang mga anak.
- Kasingkinang ng bituin ang kanyang singsing dahil sa kintab nito.
- Ang dalawang kumot ay magkasinghaba.
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa mga halimbawa ng pahambing na magkatulad, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/132437
Pahambing na Magkatulad
Ang pahambing na magkatulad ay:
- isang uri sa dalawang uri ng kaantasang pahambing
- ginagamit ito sa paghahambing ng dalawang tao, bagay, ideya, pangyayari, at iba pa na may patas na katangian.
Ang pahambing na magkatulad ay ginagamitan ng mga panlaping:
- ka
- magka
- sing (sin/sim)
- kasing (kasin/kasim)
- magsing (magkasing/magkasim)
- ga/gangga
Maaari ring gumamit ng mga wangis/kawangis, gaya, tulad, hawig/kahawig, mistula, at mukha/kamukha sa pahambing na magkatulad.
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa pahambing na magkatulad, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/613369
Pahambing na Palamang
Ang pahambing na palamang o hambingang palamang ay:
- may mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambingan
- isang uri sa dalawang uri ng hambingang di magkatulad
- naipapakita ito sa tulong ng lalo, higit/mas, labis, at di-hamak.
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa pahambing na palamang, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/25893
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.