IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksaktong sagot. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.
Sagot :
Answer:
Slogan para sa Kalayaan ng Pilipinas
- "Kalayaan ay nakamtan dahil sa mga bayaning Pilipinong buhay ay inalay at ibinigay."
- "Nang makamtan ang kalayaan, watawat ay winagayway bilang simbolo ng kasarinlan, ang mga Pilipino'y nagdiwang sa pagkalaya sa mga mapang-aping dayuhan."
- "Ang mga bayaning nagbuwis ng buhay na hindi manlang nag-alinlangan ay dapat nating pahalagahan dahil sa kanila kaya ating nakamtan ang matagal ng hinangad na kalayaan."
- "Ang tunay na kalayaan ay ang nakikita sa pagkakabuklod-buklod, pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat mamamayan ng lipunan."
Kalayaan
Ang bansang Pilipinas ay isang demokratikong pamahalaan, ibig sabihin nito ang lahat ay may karapatang maging malaya, malayang maipahayag ang mga saloobin at nararamdaman at malayang mamuhay kung ano man ang gustuhin ng isang tao, may tungkuling ginagampanan at karapatang tinatamasa.
Ayon kay Santo Tomas de Aquino ang kalayaan bilang “katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa kanyang maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito”. Ibig sabihin nito malaya ang isang tao na gamitin ang kanyang kilos-loob upang pumili ng partikular na bagay o kilos.
Ayon kay Esther Esteban (1990), ang konsepto ng kalayaan ay nangangahulugan na nagagawa o nakakayang gawin ng tao ang nararapat upang makamit ang pinakamataas at pinakadakilang layunin ng kanyang pagkatao. Malaya ang taong linangin ang kanyang sarili at paunlarin ito.
Paano maging malaya?
- Ang pagiging malaya ay ang pagkakaroon ng kalayaang gawin ang lahat ng iyong gawin at gustuhin.
- Malaya kang maipapahayag ang iyong sarili, maging ang bagay na makakapagpasaya at makakapagbuo ng iyong pagkatao.
- Malaya ka kung malaya mong naipapahayag ang iyong mga saloobin at nararamdaman basta wala kang taong natatapakan. Handa kang tumanggap ng mga pagkakamali at handa kang magbago para sa iyong pansariling kabutihan.
- Malaya kang magmahal at mahalin, kung sino man ang nais mong mahalin at alayan ng iyong pagmamahal maging ang iyong mga kaibigan at mahal sa buhay.
- Malaya ka kung natatamasa mo ang iyong mga karapatan at nagagawa mo ang iyong mga tungkulin bilang isang kasapi ng lipunang iiyong ginagalawan.
- Malaya kang nakakapili ng relihiyon at paniniwalaan.
- Malaya kang ipagtanggol ang iyong sarili laban sa mga taong nais kang hilahin pababa.
.
Para sa karagdagan pang kaalaman, magtungo sa mga link na:
Iba pang Halimbawa ng Slogan tungkol sa Kalayaan: brainly.ph/question/506104, brainly.ph/question/1536201
Batayan ng pagiging isang mamamayang Pilipino: brainly.ph/question/1270995
#LetsStudy
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.