Maligayang pagdating sa IDNStudy.com, ang iyong platform para sa lahat ng iyong katanungan! Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.

"Nasa diyos ang awa, nasa tao ang gawa" ibigay ang ibig sabihin.

Sagot :

Subject: Filipino

PANANAMPALATAYA

  • Nais iparating ng mensahe na ito na kailangang magkaroong ng tiyaga, sipag at pagtitiis sa kahit ano mang nais mong marating sa buhay. Kailangang samahan ng gawa ang iyong mga sinasabi at hihilingin sa Panginoon dahil ang Poong May-kapal ang gagabay sa araw –araw ng iyong buhay. Huwag lang puro  salita at humihiling sa Panginoon na walang kaakibat sa gawa sapagkat ang Panginoon ay laging nariyan upang tumulong sa atin. Maraming mga tao  dito sa mundo na nagsasalita lamang at hindi sinasamahan ng kaakibat na gawa.

Ang mga sumusunod ay mga paraan  upang makamit ang iyong mga minimithi sa buhay;  

1. Gamitin ang yong oras sa tama at huwag itong aksayahin sapagkat bawat sigundo ay mahalaga . Huwag laging makipagkwentuhan sa mga kaibigan upang hindi maaksaya ang mga oras na ibinigay sa atin.  

2. Kailangang may vision sa buhay sapagkat ito ay nagiging susi upang mayroong patutunguhan ang iyong buhay.  

3. Humingi ng payo sa nakakatanda at mapagkatiwalaang tao.  

4. Humingi ng gabay sa May-Kapal upang lalong pagpalain.  

5. Kailangang kumilos at isagawa sa lahat ng hinihiling   sa Panginoon, sabi nga sa bibliya ang pananampalatayang walang gawa ay patay.  

Para sa karagdagang impormasyon, buksan ang link na nasa ibaba;  

brainly.ph/question/306370

brainly.ph/question/1296117

brainly.ph/question/459037

#BetterWithBrainly