IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.

ano ang kahulugan ng bagyo?


Sagot :

Ang kahulugan ng Bagyo ay isang malaking unos, mayroon itong isang pabilog o spiral sistema ng marahas at malakas na hangin na may dalang mabigat na ulan, karaniwan daan-daang kilometro o milya sa diameter ang laki. Ang pagdami ng bagyo ay maaring epekto ng climate change o pagbabago ng klima.

Ang mata ng bagyo, ito ay ang gitnang bahagi ng namumuong ulap o bagyo. Sinasabing ang mata ng bagyo ay isang kalmadong lugar dahil isa itong low pressure area.

Nabubuo ang bagyo sa gitna ng karagatan kung saan ang mainit at malamig na hangin at nag tatagpo. Ang maligamgam o warm na hangin ay isang water vapor o mainit na hangin na nag-evaporate dahil sa init ng dagat at habang ito’y umaakyat nagkakaroon ng low pressure area (LPA) sa paligid at dahil sa low pressure na nabuo sa paligid, hinahatak nito ang iba pang malamig na hangin sa ibang lugar hanggang sa ang malamigna hangin ay iinit din at bubuo ng mga ulap.

Para sa dagdag kaalaman ukol sa Dahilan kung paano nabubuo ang bagyo tignan sa link na ito: https://brainly.ph/question/94573

Mga dapat gawin bago ang bagyo

  1. Ihanda ang radyo, flashlight at extrang baterya.
  2. Mag handa ng pang emergency na pagkaing hindi agad nasisira (katulad ng delata at biskwit), lalagyan ng tubig at first-aid kit.
  3. Putulin ang mga mahahabang sanga ng mga punong kahoy na malapit sa bahay.
  4. Ugaliing manood ng tv at makinig sa radyo para sa regular na anunsyo o babala tungkol sa kalagayan ng bagyong paparating.
  5. Punuin ang lalagyan ng tubig, ilagay sa plastik ang ekstrang damit, delata, posporo, kandila, baterya at iba pang mahahalagang gamit.
  6. panatilihing nasa loob ng bahay hanggang matapos ang bagyo.
  7. Kung kinakailangang lumikas, tiyaking naka patay ang kuryente ng bahay, at nakasara ang tangke ng gas

Para sa mas maraming kaalaman tungkol sa mga dapat gawin bago ang bagyo bisitahin ang link na ito:  https://brainly.ph/question/1685440

 

Epekto ng bagyo  

  • Pagkasira Ng tirahan o ari-arian ng mga tao.
  • Pagkasira ng milyon-milyong ari-arian ng bansa.
  • Pagkasira ng taniman na maaring maging sanhi ng food shortage
  • Pagkamatay ng maraming tao at hayop.

Para sa mas maraming detalye tungkol sa Epekto ng bagyo tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/185811