IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

Ano ang ibig sabihin ng climate change?

Sagot :

Ang Climate change o tinatawag ding Pagloloko ng Klima ay nangangahulugan ng malawakang pagbabago ng panahon sa ibat-ibang parte ng daigdig. Ito ay nadarama sa unti unting pag-init ng mundo na kadalasan ay tinatawag na Global Warming ito ay atin makikita din sa pagtunaw ng mga Glaciers o ice caps sa Antartiko sobrang pagkatuyot at pagbaha at paglaganap ng mga sakit hindi lamang sa mga tao kundi pati narin sa halaman at hayop.

Mga senyales ng Climate Change

  • Ang matinding pag-init o tagtuyot
  • Ang pagtaas ng antas ng tubig-dagat
  • Ang malalakas na bagyo

Mga epekto ng Climate Change

  1. Ang pagbaba ng ani ng produktong agrikultura.
  2. Ang pagkakaroon ng mga bagong sakit.
  3. Ang pagkamatay o pamumuti ng mga korales sa dagat.
  4. Ang pagkaubos o pagbaba ng populasyon ng samu't-saring buhay.
  5. Ang pagbaha at pagguho ng mga lupa.

Greenhouse gases na nagpapainit ng Mundo.

  • Carbon Dioxide
  • Methane
  • Nitrous Oxide
  • Hydrofluorocarbon
  • Perfluorocarbon
  • Sulfur Hexafluoride

Bukasa para sa karagdagang kaalaman

sanhi at epekto ng climate change https://brainly.ph/question/2223457

palatandaan ng climate change https://brainly.ph/question/2247850

iba pang epekto at sanhi ng climate change https://brainly.ph/question/807667